08/10/2026
ANG PANGARAP NI MANG POL
Mula pa noong bata kami, madalas ikuwento sa amin ni daddy ang isang pangarap na matagal niyang iningatan sa kanyang puso.
Kung naipagpatuloy lamang daw niya ang kanyang pag-aaral, marahil ay nagkaroon siya ng pagkakataong maging doctor—upang makatulong sa mga may sakit at sa mga taong nangangailangan ng tulong.
Ngunit hindi niya nakuha ang pagkakataong iyon.
Maaga silang naulila sa kanilang ama, kaya si Lola Yolly ang tumayong parehong ina at ama para sa magkapatid na sina Pol at Cering. Naglabandera siya upang may maipakain sa kanyang mga anak at, higit sa lahat, upang mapag-aral sila.
Sa kabila ng hirap ng buhay, hindi sila sumuko.
Dumating ang araw na nagkaroon sila ng pagkakataong mag-abroad bilang OFWs, at doon nagsimula nilang buuin ang kanilang kinabukasan. Nagkaroon sila ng sariling pamilya, nagtrabaho bilang domestic helpers, at unti-unting nagsikap na makaahon sa buhay.
Hanggang sa dumating ang panahon na naisip ni Papa na magtayo ng sarili niyang negosyo—hindi lamang para sa kanilang pamilya, kundi upang matulungan at mapaglingkuran ang mga kapwa Pilipino, lalo na ang mga OFW na nangangailangan ng assistance at gabay.
Doon nagsimula ang kuwento ng FastPOL.
Bago siya pumanaw, may isang bagay siyang sinabi sa amin nang buong kumpiyansa at pagmamalaki:
He was happy.
Masaya siya dahil kahit hindi niya natupad ang pangarap niyang maging doctor, nakatulong pa rin siya sa maraming kapwa Pilipino.
Hindi man siya naging doctor na nanggagamot ng katawan, naging isang taong naglilingkod, tumutulong, at nagbibigay ng pag-asa sa maraming Pilipino.
---
TITO POL'S STORY
Since we were children, our father would often tell us about a dream he once had.
He believed that if he had been given the opportunity to continue his studies, perhaps he could have become a doctor—someone who could help the sick and serve those who were in need.
But life took a different path.
He and his sibling lost their father at a very young age. From then on, Lola Yolly became both mother and father to Pol and Cering. She worked as a laundrywoman, washing clothes day after day just to put food on the table and send her children to school.
Life was not easy, but they never gave up.
Eventually, they were given the opportunity to work abroad as OFWs, and that became the beginning of building their future. They started their own families, worked as domestic helpers, and slowly worked their way toward a better life.
Then came the time when our father decided to build his own business—not only for his family, but also to serve and help fellow Filipinos, especially OFWs who needed assistance, guidance, and support.
And that was where the story of FastPOL began.
Before he passed away, he confidently told us that he was happy.
Happy because even though he never became the doctor he once dreamed of becoming, he still found a way to help countless fellow Filipinos.
He may not have become a doctor who healed the sick, but he became something equally meaningful to many people:
A person who served.
A person who helped.
A person who gave hope.
And that is the legacy our father, Pol—the founder of FastPOL, left behind.
His dream may have changed, but his purpose never did: to help people.
❤️🇵🇭