10/05/2026
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak… 😭🌸
Sabi nila mas pinaghahandaan daw ang Valentine’s kaysa Mother’s Day kasi “mahina” raw pag Mother’s Day. Kaya hindi ako gumawa ng sobrang madami.
Ang ending?
Yung bouquet na para sana kina mama… naibenta rin. 😭😂
Sold out tayo. As in SOLD OUT.
Minsan nakakalimutan ko na isang maliit na handmade flower business lang tayo na nagsimula sa simpleng “try lang.” Pero kayo… ginawa niyong mas malaki. 🥹
From late night paggawa ng flowers, pagod, puyat, hanggang sa bawat order na paulit-ulit ninyong binabalikan, sobrang thank you. Hindi niyo alam gaano kalaking tulong yung suporta ninyo hindi lang sa business ko, kundi sakin mismo. 🤍
At mas lalo akong naging emotional kasi... anniversary na pala natin bukas. 🌸
May 11, 2026 — one year na ang Tons of Petals.
ONE YEAR. 😭
Parang kailan lang nangangapa lang tayo. Ngayon, may mga taong bumabalik, nagtitiwala, at hinihintay bawat gawa natin. Grabe kayo, Ka-petals. 🥹
Kaya teka lang ha…
since anniversary month naman at birth month ko rin… 👀
Parang gusto ko tuloy magpa-GIVEAWAY. 😭🌸
Ano, tara? Giveaway tayo?! 😅
(pero teka, hinga muna ako at pag isipan ko kung paano HAHAHA)