17/02/2026
Poster is out. Get your tickets now!
Marami pa kaming tickets dito: https://forms.gle/MvfeuEDbG88HDQwUA
Ang Lost in Transit ay dalawang dulang tig-iisang yugto. Magkaiba ang kanilang mundo, ngunit iisa ang pinagmumulan ng kanilang kwento: ang paghahanap sa mga nawawala.
Lost Parcels đŚ
Dala ang lakas ng loob, kinasuhan ni Peachy ang kanyang amo sa pagkawala ng daan-daang parcel. Sa loob ng isang hukuman na tila may presyong nakadikit sa bawat desisyon, haharapin niya ang mas mabigat na tanong: gaano kamahal ang hustisya, at sino lamang ang may kakayahang magbayad nito?
Ang Ngipin ng Busaw đڎ
Dala rin ang lakas ng loob, pinasok ng batang si Inggo ang gubat ng Marawi na sinasabing tirahan ng mga busaw upang patunayan ang kanyang sarili. Doon niya makikilala si Saon, isang busaw na hindi sigurado kung busaw nga ba. Sa gitna ng takot at pagdududa, unti-unti nilang matutuklasan na hindi pala ang pangil o anyo ang tunay na sukatan ng pagkatao, kundi ang paniniwala sa kung sino ka sa loob.
Ang dalawang dulaâmagkaiba man ng panahon at lugarâay humaharap sa iisang takot: ang hindi makita, hindi marinig, at hindi paniwalaan. Ang Lost in Transit ay tungkol sa mga bagay na kinuha sa atin ng lipunan, mga bagay na minsan ay kusa rin nating isinuko, at ang tapang na kailangan upang bawiin kung ano ang nararapat sa atin.
đ
February 28, 2026
â° 5:00 PM and 8:00 PM
đ The Box Studios