08/06/2026
Si Andrew Matheo Iglesia, isang tubong Unisanin mula sa Brgy. Tagumpay, Unisan, Quezon, ay dumaranas ngayon ng matinding pagsubok matapos maaksidente habang nagtatrabaho sa bayan ng Laguna.
Noong April 17, 2026, siya ay nakuryente sa trabaho at dahil sa lakas ng impact ng insidente ay malubhang naapektuhan ang kanyang ulo. Nagdulot ito ng matinding pamamaga at may posibilidad na madamay ang kanyang utak. Matapos ang mahabang gamutan at pananatili sa ospital, siya ay nakalabas lamang noong May 8, 2026.
Sa kasalukuyan, kinakailangan niyang sumailalim sa karagdagang gamutan at operasyon upang maibalik sa normal ang kanyang bungo, na tinatayang mangangailangan ng humigit-kumulang ₱700,000 hanggang ₱800,000.
Sa mga may mabubuting puso, kami po ay taos-pusong humihingi ng tulong, anumang halaga ay malaking bagay para sa kanyang paggaling. Kung hindi man po kayo makapagbigay ng pinansyal na tulong, ang pag-share ng post na ito ay napakalaking tulong upang mas marami pa ang maratingan ng kanyang sitwasyon.
🙏 Makiisa po tayo sa panalangin para sa mabilis na paggaling ni Andrew.
Maaari po kayong mag donate gamit ang mga account na ito:
Land Bank:
CHRISTIAN R REVAREZ
SA 1636128178
Gcash:
CHRISTIAN R REVAREZ
09126116143
Sisiguraduhin ko pong makaka-abot sa kanila ang inyong mga suporta. 🥺🫶