29/07/2022
"Ang pagtalikod sa dating pamumuhay ay pagharap sa kalooban ng Panginoon"
Kasabay ng paghuhubad natin ng mga mali at maruming pamumuhay, mabuti lamang na isuot natin ang panibagong katauhan kalakip ang panibagong ugali, pag-iisip at paraan ng pamumuhay.
Kaya't napakahalaga na hindi na natin isuot ang dati nating pagkatao noong wala pa tayo kay Kristo. Sapagkat sa Panginoon lamang natin matatagpuan ang tunay na kapayapaan.