
29/09/2024
PHOTO TITLE: PAMANA SA SUSUNOD NA HENERASYON
Ang ating mga lolo at lola ay tunay ngang hindi nagkukulang bagkus sobra sa pagmamahal na kung saan tayo’y ay tinuturuan ang magandang asal at respeto na siyang ating dadalhin sa ating pagtanda bilang isang pamana. Ang Pagmamano ay kaugaliang Pilipino na kung saan ito ay pagpapakita ng sinserong pagbibigay galang at pagmamahal sa nakakatanda. Ang larawang ito na makikita si ginang Leticia P Adduru, 60 taong gulang at nakatira sa 87 Darauay St. Pallua Norte na kasama ng kanyang apo ay ramdam ang pagkalinga ng DSWD sa mga may edad dahil sa kanilang walang sawang suporta upang gumaan ang kanilang buhay at pagmamahal lalo na sa mga may edad ngayong panahon ng Bagong Pilipinas.