07/08/2025
Mahina ang benta? Okay lang ‘yan.
Hindi naman dito nagtatapos ang lahat.
May bukas pa para makabawi.
Hindi porket malakas ang benta kahapon,
e sigurado nang malakas din ngayon.
Ganun talaga ang negosyo. May araw ng tag-lakas, may araw din ng tag-hina.
Ang mahalaga,
maliit man o malaki ang benta tuloy ang kita, tuloy ang laban.
Walang araw na sayang kapag patuloy kang kumikilos.
Kasi bawat araw, may chance kang bumawi.
💡 Tandaan:
Ang tag-lakas ay para sa mga taong hindi sumuko noong panahon ng tag-hina.
Kaya G lang!
Magpakatatag.
Magpatuloy.
Dahil aayon din ang panahon sa mga taong klaro ang direksyon. 🔥
PS: Naniniwala ka bang bebenta ka ng malaki ngayong araw? Comment YES ka naman diyan!