15/05/2026
Thank you po Tito Luis at Tita Rosita
Ang pagbabalik-tanaw sa araw ng kasal ay hindi lamang alaala ng pag-iisang dibdib, kundi patunay ng tunay at matatag na pagmamahalan na nalampasan ang init at lamig ng panahon. Isang paglalakbay ng pagtanggap sa mga kakulangan, walang sawang pagtitiwala, at matapang na pagyakap sa kinabukasan. Tunghayan natin ang makulay na kwento nina Luis at Rosita, isang istoryang hinubog ng pagsubok, pinatatag ng pagtitiis, at pinagningning ng wagas na pagmamahal at tagumpay.
--------------------------------------------------------------------------
Ang Sketchy Studio ngayon ay lumilikha ng obra na nagbubuklod sa bawat isa sa atin, dala ng simple't komplikadong karanasan ng bawat isa ay magkaroon tayo ng kapayapaang ihayag sa mundo ang ating mga kwento.
Tara't samahan niyo po kami sa pagtuklas ng makukulay na buhay ng bawat isa.
Kung ikaw ang tatanungin, ano-ano ang kulay ng buhay?