12/10/2022
“𝐆𝐈𝐑𝐋, 𝐈𝐊𝐀𝐖 𝐏𝐎 𝐀𝐘 𝐀𝐁𝐀𝐘, 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐊𝐀 𝐏𝐎 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐄.”
Ano ba dapat mong gawin kung ikaw ay nakuhang abay? Oh ‘eto ang 10 Rules.
1. Wag mag-inarte. May binibigay na timeline ang couple. Sila nga sumunod sa oras, tapos ikaw mag-iinarte? Wag ganun girl. Kaya agahan mo ang punta sa preparation venue. Kase me-make-upan ka pa. Libre na nga make-up mo, arte ka pa?
2. Tinatawag na ng coordinator, pictorial na daw. Sunud ka agad girl! Mamaya ka na mag selfie kaloka ka! Mahiya ka naman sa ikakasal, naghihintay ng matagal sayo.
3. Oh, mag change outfit na daw pero quick lunch muna. Go na agad! Mamaya na ang chika! May oras kaya ang kain at pictorials.
4. Girl, lilipat na ng venue, ayusin mo na agad gamit mo. Wag mo na intayin yung time ng check-out. Baka mag additional payment pa ang ikakasal kase ang bagal mo.
5. Ayan, pictorial na ulit. Ganda ka? May pag heels ka pa? Tapos sasamahan mo pa ng kembot. Ang tagal! Inip na photographer sayo girl!
6. Line-up na para sa ceremony, nasaan ka na ba girl? Yung coordinator, nangangatog na yung tuhod kase mag start na ang ceremony, hinahanap ka pa. Magpakita ka agad girl! Dami pa yan instructions sayo pakinggan mo. Baka kwento ka ng kwento sa katabi mo, tapos sasabihin mo sa coordinator “ano po ulit?” Pang pantagal ka talaga girl!
7. Uy, ceremony time na. Behave ka lang. Help mo si maid of honor ayusin gown ni bride. At syempre makinig ka.
8. Tapos na ang ceremony, pictorials ulit. Okay lang ilabas ang hita pero wag mo naman kabugin si bride! My gosh!
9. Don’t complain too much. Luh! Yung couple nga di nagrereklamo, tapos ikaw puro reklamo? Ikaw yung ikakasal girl?
10. Pinili lang ni couple kung sino ang invited sa wedding nila, sabi nila sa coordinator, “Hindi agad yan aalis ‘Mam, kase close friend and family namin yan.” Tapos umalis ka agad. Bigyan mo naman nag appreciation si couple, stay until the reception ends. Yan nalang ambag mo girl, once in their lifetime lang din yan, sulitin mo na!
𝘽𝙤𝙣𝙪𝙨: Hindi kaaway yung hired coordinators nila kaya wag ka makipag tirikan ng mata. Binayaran sila para maging organize ang wedding, kaya wag mo guluhin girl. Kung mas maalam ka, ikaw nalang kaya yung coordinator tapos si coordinator yung abay? Duh!
𝓓𝓲𝓼𝓬𝓵𝓪𝓲𝓶𝓮𝓻: 𝓣𝓱𝓲𝓼 𝓹𝓸𝓼𝓽 𝓲𝓼 𝓶𝓮𝓻𝓮𝓵𝔂 𝓯𝓸𝓻 𝓮𝓷𝓽𝓮𝓻𝓽𝓪𝓲𝓷𝓶𝓮𝓷𝓽 𝓹𝓾𝓻𝓹𝓸𝓼𝓮𝓼 𝓸𝓷𝓵𝔂 𝓪𝓷𝓭 𝓪 𝓻𝓮𝓶𝓲𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓯𝓸𝓻 𝓪𝓵𝓵 𝓪𝓫𝓪𝔂'𝓼 𝓸𝓾𝓽 𝓽𝓱𝓮𝓻𝓮.