13/07/2025
Gusto mo bang maaliw ang mga bata sa birthday party pero di mo alam kung anong klase ng entertainer ang kukunin? Magician, clown, mascot, o performer? Lahat sila may kanya-kanyang charm pero hindi lahat bagay sa bawat event. Kung first time mo magpa-party o gusto mong siguradong sulit ang bayad, ito ang dapat mong malaman.
Ang magician ay laging crowd favorite. Kahit simpleng tricks lang, tuwang-tuwa na ang mga bata. Pero mas maganda kung kid-friendly ang style niya, hindi masyadong complicated ang magic at may audience participation para mas engaging. Magicians work best sa kids na nasa age 4 pataas kasi mas naiintindihan na nila ang flow ng show.
Clowns, on the other hand, medyo hit or miss. May mga bata na natutuwa, pero may iba na natatakot. Kung feel mong gusto mo ng clown, piliin mo yung clown host na marunong din mag-games at magpa-bibo, hindi lang puro makeup at costume. Dapat may sense of humor at magaling mag-handle ng bata.
Mascots naman ay perfect sa mga batang may favorite character. Paw Patrol, Cocomelon, or Sesame Street? Basta makita nila si character na idol nila, solved na sila. Pero tandaan, hindi usually nagsasalita ang mascots kaya dapat may kasamang host o handler para hindi awkward. Magandang pang-photo op din ang mascot appearances.
Performers come in many types. May bubble show, puppet show, ventriloquist, dancers, o singing princesses. Ito yung mga pwedeng gawing highlight ng party lalo na kung may theme. Kung princess party ang gusto ng anak mo, isang singing princess na may interaction ay big plus. Kung active ang mga guests, dance numbers or interactive shows keep the energy up.
Sa pagpili ng entertainer, isipin mo muna kung ano ang personality ng anak mo. Shy ba siya or outgoing? Gusto ba niya ng tahimik na show o yung maingay at interactive? Budget is also a factor, syempre. Mas complex ang act, mas mataas ang rate. Pero kahit simple lang, basta swak sa vibe ng party at gusto ng anak mo, panalo pa rin.
Entertainment makes a big difference in kids’ parties. Kahit gaano ka-ganda ang setup, kung walang fun activity, madaling mainip ang mga bata. Kaya mahalagang pumili ng right entertainer based sa theme, age group, at vibe ng celebration mo.
Need help choosing the best party entertainer? Contact Maggie Ong Chiong at 09175529544.