12/09/2025
✨ 8 YEARS OF Ms. A Photography ✨
Today marks 8 years since the journey of Ms. A Photography started 📸. Looking back, my heart is overflowing with gratitude.
Hindi lang siya naging simpleng trabaho para sa akin—ito ang naging bread and butter ko ng napakahabang panahon. Pero higit pa doon, naging passion ko siya, dahil tunay na masaya ako sa ginagawa ko. 💖
Sa bawat photoshoot, nakilala ko ang napakaraming tao—mga naging kaibigan, parang pamilya, at nakasama sa iba’t ibang masayang alaala. Ang sarap sa pakiramdam balikan yung mga kuha kong larawan, lalo na’t naging parte ako ng mga special and happy moments ng aking mga clients. 🥰
Dumating din ang panahon na sobrang in demand at nakilala nang husto ang Ms. A Photography—at iyon ay dahil sa inyong lahat na nagtiwala at sumuporta. Hindi ko makakalimutan ang mga taong naging parte ng journey na ito. 🙏
Ngayon, kahit busy ako sa Angelita's RestoBar & Café at hindi ko na masyado naasikaso si Ms. A Photography, forever siyang naka-ukit sa puso ko. 💕 I will always be grateful to God for blessing me with talents—not only in photography, but also in cooking—na siyang naging daan para matulungan ko ang pamilya ko.
To all my former clients, friends, and supporters—maraming, maraming salamat po. Hindi mararating at makikilala ang Ms. A Photography noon kung wala ang tiwala at pagmamahal ninyo. 🌸
Here’s to the memories, the passion, and the endless gratitude. 🥂✨ And who knows? Someday, Ms. A Photography might just make a beautiful comeback. 💫
Ms. A ♥️