11/07/2026
TAU GAMMA PHI & TAU GAMMA SIGMA β JOINT MEETING
Matagumpay na naisagawa ang Joint Meeting ng Tau Gamma Phi at ng bagong tatag na Tau Gamma Sigma ng Pook Libis.
Pinangunahan nina GLT Clara C. Eugenio at GT Marvin Misolas ang mainit na pagtanggap at pagbati sa ating mga Newborn at sa mga bagong miyembro ng Tau Gamma Sigma, na opisyal na naitatag noong July 4, 2026. Nawa'y magsilbi itong simula ng inyong tapat na paglilingkod at paninindigan sa mga prinsipyo ng ating kapatiran.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat kay SMPL Chairman Elmo Obel sa pagbibigay ng pahintulot na magamit ang Day Care Center ng Pook Libis bilang lugar ng aming Joint Meeting. Malaking bagay po ang inyong suporta sa aming samahan.
Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakiisa. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagpapalakas ng ating kapatiran at ang paglilingkod para sa ating komunidad.