31/03/2026
Maligayang pagbati sa mga nagsipagtapos, nagsilipat-antas, at sa mga estudyanteng may karangalan! Nawa’y dalhin ninyo ang mga aral na natutunan ninyo sa loob ng paaralan at gamitin itong inspirasyon. Ito ay simula pa lamang ng inyong paglalakbay, at sa gabay ng Maykapal, tiyak na mararating ninyo ang inyong mga pangarap. 🤍
Maraming salamat din sa aming mga minamahal na customers. Lubos naming pinahahalagahan na naging bahagi ang Fuzz N’ Petals sa inyong espesyal na araw. Hanggang sa muli! 🥰
Oops, maisingit ko na rin—may paparating na namang okasyon! Kaya huwag mahihiyang mag-PM at umorder. Muli, maraming salamat at congratulations sa mga masisipag na estudyante! 👏🏻💖