10/09/2025
Ang aming mahal na kapamilya pinsan na si Aljan Hatab "Totoy o Toytoy" ay kasalukuyang humaharap sa isa sa pinakamalaking laban ng kanyang buhay.
Nagsimula ito nang siya ay agad na dinala sa emergency hospital sa Cuyo, Palawan matapos makaranas ng biglaang pamamanhid ng kanyang mga kamay at paa at hirap sa paglunok. Dahil inakala na ito ay stroke, agad siyang ini-airlift papunta sa Puerto Princesa, Palawan para sa mas masusing gamutan.
Pagdating sa Puerto Princesa, siya ay sumailalim sa iba’t ibang pagsusuri gaya ng MRI, CT scan, at lumbar test, lumabas na normal ang lahat ng resulta at wala namang nakitang abnormalidad. Natanggal sa posibilidad ang stroke, ngunit pinaghihinalaan ng mga doktor na ito ay isang autoimmune disease. Ang tanging pag-asa sa ngayon ay ang paggamot gamit ang IVIG injection.
💉 Ang bawat vial ng IVIG ay nagkakahalaga ng ₱33,000, at ayon sa reseta ng doktor ay kailangan niyang makaubos ng 32 vials para sa kabuuang gamutan. Higit ito sa ₱1 milyon—halagang hindi kayang sagutin mag-isa ng kanyang pamilya.
Kami po ay taos-pusong kumakatok sa inyong mga puso upang matulungan si "Totoy o Toytoy" maaari sa pamamagitan ng pinansyal na suporta o mataimtim na panalangin.
Habang ginagamit kayo ni Allah Subhanahu wa Ta’ala, ang ating Panginoon bilang daluyan ng pagpapala, kami ay nananalig na Siya’y magbabalik sa inyo ng dobleng biyaya at probisyon para sa kabutihang inyong ipinamalas.
To those who would like to offer their help, you may send it directly to me via GCash
✨️ Baby Jolina Bulagis
0906 055 1274
🤲 Wala pong maliit na halaga. Bawat panalangin ay mahalaga. Sama-sama, matutulungan natin si Aljan na malampasan ang laban na ito at muling mabawi ang kanyang kalusugan.
Thank you so much. God bless, and may everyone stay safe and healthy.