08/03/2026
Let us share with you our humble beginnings.
Ang apat na larawang ito ay hindi lang basta memories — simbolo ito ng sipag, tiyaga, at pangarap.
Noong 2010, nagsimula kami sa larangan ng events na halos walang sariling kagamitan. Lahat ay inuupahan pa lamang. At walang masama doon — dahil karamihan ng matagumpay na negosyo ay doon talaga nagsisimula.
May mga taong naniwala kahit wala pa kaming maipakitang portfolio. Ang tanging baon lang namin noon ay isang simpleng salita: tiwala.
Unti-unti, habang kumikita, nagsimula kaming bumili ng sarili naming kagamitan. Dumating ang araw na kami na mismo ang hahawak ng isang buong event. Kabado sa umpisa, pero dala namin ang mga aral at payo ng aming mentor.
Hanggang sa dahan-dahan, nabuo ang kumpiyansa at paniniwala namin sa industriyang ito. Hindi kami natakot sumubok ng mga bagong ideya — gumawa ng sariling sistema, disenyo, at marketing strategy.
Patuloy kaming nag-aaral, nag-iinnovate, at nag-e-explore ng mga bagong pagkain, mas magagandang setup, at serbisyong hindi malilimutan.
Dahil para sa amin, kapag sinabing WINNERS, siguradong panalo ang bawat selebrasyon.
Sa mga susunod pa nating pagsasamahan, masaya naming ibinabahagi sa inyo ang panibagong kabanata ng ating pinakamamahal na Winners Event Specialist. ❤️🧡💛