27/08/2026
A NEW CHAPTER FOR WISHES CREATIONS
May gusto lang akong i-share sa inyong lahat tungkol sa page na ito.
Noon, ang dami kong ginawang pages dahil alam naman natin kung gaano kalawak ang mundo ng crochet. Ang daming pwedeng gawin, ang daming ideas, at ang daming gustong i-explore!
Pero sabi nga nila, “Choose one niche.” Kaya pinili kong i-focus ang Wishes Crochet sa crochet costumes, lalo na sa baby costumes at pre-order crochet outfits.
Habang tumatagal, naisip ko rin na gusto kong gumawa ng handmade adult outfit. Kaya nabuo naman ang SherDesigns, kung saan ko pinost ang mga summer outfit dresses and top for womens. At naisip ko rin gumawa ng mga accessories kaya nabuo si WCS Accessories, kung saan ko pinost ang mga earrings, accessories, at iba pang handmade creations ko.
Pero aminado ako… ang hirap pala mag-alaga ng maraming pages! 🤣
Lalo na ngayon na may isang makulit at adorable na 1-year-old baby akong kailangang alagaan. 😂💕 Mas naging challenging na bigyan ng sapat na oras hindi lang ang business, kundi pati ang social media pages ko.
Kaya napaisip ako…
Bakit ko pa paghihiwalayin kung handmade creations ko naman lahat? 🤔
At doon ko naisip na panahon na siguro para pagsamahin silang lahat sa iisang tahanan.
Kaya mula sa Wishes Crochet, magiging Wishes Creations na ang page na ito.
At kasabay nito, magpapaalam na rin ang SherDesigns bilang hiwalay na page dahil isasama ko na rito ang mga handmade accessories at iba ko pang ginagawa. 🥹
Dito ninyo makikita ang iba't ibang bagay na kaya at gusto kong gawin—
🧶 Crochet creations
👗 Handmade fashion pieces
💍 Handmade earrings & accessories
🎀 Baby & mommy creations
✨ At iba pang handmade projects na unti-unti ko pang ie-explore.
Gusto kong bigyan ng space ang creativity ko at hindi na ikulong ang sarili ko sa iisang klase lamang ng craft.
At higit sa lahat, mas gusto kong magkaroon ng isang page na kaya kong alagaan nang maayos kaysa maraming pages na hindi ko mabigyan ng sapat na oras.
Mas gumaan ang pakiramdam ko nang maisip kong pagsamahin silang lahat. Parang mas naging simple, mas manageable, at mas malinaw kung saan ko gustong dalhin ang little handmade business ko.
WHY “WISHES”?
Ang Wi-shes ay pinagsamang pangalan noon, kaya doon nabuo ang Wishes.
At syempre… ako yung “She.” 🤣
Never mind na lang si “Wi.” 😅
Hindi ko na rin mapapalitan dahil ito na ang pangalan na registered sa BIR ko. 🥹😂
Kaya kung gagawa kayo ng pangalan ng business ninyo at may jowa kayo…
SOLOHIN NIYO NA LANG! 🤣🤣🤣
Yan lang ang business advice ko sa inyo. Hahaha! Char! 😂
Pero kidding aside, masaya ako na kahit nagbabago ang direction ng business ko, dala ko pa rin ang pangalan na naging parte ng journey ko.
Dati, pangarap ko lang na magkaroon ng maliit na handmade business.
Ngayon, pangarap ko naman na mapalago pa ito, magkaroon ng mas maraming handmade creations, magkaroon ng sarili kong space o physical shop someday, at makabuo ng isang business na hindi lang basta pinagkakakitaan kundi isang bagay na maipagmamalaki ko.
At habang inaalagaan ko ang anak ko, inaalagaan ko rin ang pangarap ko. 👩🏻🍼
Hindi man mabilis ang growth, ang mahalaga tuloy pa rin.
One craft at a time.
One creation at a time.
One dream at a time.
Kaya sa lahat ng matagal nang nandito, maraming maraming salamat sa suporta. 🥹🩷
At sa mga makakakita ng mga bagong posts ko at mapapaisip ng,
“Ha? Hindi na puro crochet costume?” 😂
Yes! 😂
Welcome to the new and wider world of WISHES CREATIONS.
Same hands.
Same passion.
Same handmade love.
Just more creations to come. 🧶💍👗🩷
Thank you for growing with me. 🥰
— Wishes Creations 🩷