05/01/2023
LIKAS NA KAPALIGIRAN
Ang ating bayan ay maraming likas na yaman
Itoβy parte na nang aking kinalakihan
At kapalaran ng ating kinabukasan
Ang aking adhikain, ito'y ating pangalagaan.
Sa loob ng kagubatan ay yamang tunay,
Itoβy napapaligiran ng ibaβt ibang may buhay.
Kung masinagan ng araw ay napakaganda,
Pag dilim naman ay malamig na ihip ng hangin.
Sa bawat labak ay malawak na hardin
Ito ay sagana nang samot-saring tanim.
Kahit saang sulok ay may halamang namumulaklak
Mga malusog na bunga ay pwedeng anihin at ihain.
Malinis na hangin, makakapawi ng pagkapagod,
Itoβy iyong damhin, at ikaw ay siguradong malulugod.
Mga awitin ng ibaβt ibang ibon ay iyong madidinig
At agos ng tubig ilog ay sasabay sa himig.
Ang pag-unlad ay hindi makakamtan,
Kapag ang kalikasan ay sisirain at pababayaan.
Katuwang na natin ito sa panghabang-buhay,
Kung ito ay aabusuhin, tao rin ang mahihirapan.
Sumama at makibaka sa pag tatanggol ng kalikasan,
Kumilos at sumunod sa ikabubuti ng ating likas na yaman.
Hindi tayo hinihingan ng kapalit ng Inang kalikasan,
Protektahan at pangalagaan Siya, ang ating simulan.
Nang dahil sa maulan na panahon at walang magawa nakapag sulat ng biglaan. Bago lang uli nakapag sulat, una kong malayang tula para sa Kalikasan! ππ