09/07/2026
Ang dami kong nababasa lately na comments about sa pricing ng bouquets ko, so I think magandang opportunity ito para makapag-share at makapag-explain, especially sa mga kapwa ko crafters. π
Una sa lahat, okay lang naman kung para sa iba mahal ang β±300. Naiintindihan ko rin na magkakaiba tayo ng budget at perception pagdating sa presyo. Pero sana maintindihan din natin na sa handmade business, hindi lang naman materials at dami ng flowers ang basehan ng presyo.
Hindi porket mura kong nabili ang fuzzy wire at wrappers, dapat mura na rin agad ang finished product. π
May oras, effort, skills, experience, creativity, design, packaging, at overall quality pa rin na kasama sa binabayaran ng customer.
And yes, magkakaiba talaga tayo ng pricing. May crafter na kayang ibenta ng β±150, may β±180, may β±300, at may mas mataas pa. And thatβs completely okay. π Magkakaiba tayo ng suppliers, expenses, target market, quality, skills, at value na ino-offer.
Personally, hindi ko rin naman pinipilit ang kahit sino na bumili sa akin. Before accepting an order, alam na ng customer ang price, at sila pa rin ang nagde-decide kung worth it ba para sa kanila.
Iβve spent years learning, practicing, creating tutorials, improving my designs, and building Craftlee. Kaya sana, especially as fellow crafters, matuto rin tayong respetuhin ang pricing ng isaβt isa instead na i-base ang value ng gawa ng ibang tao sa kung magkano natin kayang gawin o ibenta ang sarili nating products.
Hindi porket kaya mong gawin nang mas mura, overpriced na agad ang gawa ng iba.
At hindi rin porket mas mahal ang presyo ng isang crafter, ibig sabihin nilalamangan na niya ang customers niya.
At the end of the day, customers have the freedom to choose kung saan sila bibili, and business owners also have the freedom to price their work based on the value they provide. π
Share ko lang din ito as a reminder sa mga kapwa ko small business owners: huwag kayong matakot magpresyo nang naaayon sa value ng oras, effort, skills, at creativity ninyo. Hindi natin kailangang magkapare-pareho ng presyo para respetuhin ang isaβt isa. π€