10/12/2022
Event Coordinator/Event Organizer
Tips lang base on My experience 🤗😉
Job na kala mo madali lang,nope Hindi ito Basta Basta, napakadaming dapat isaalang alang, syempre Yung costumers satisfaction and pinakapriority. But madami pang iba, time,effort sacrifices etc.
Yes minsan may mahal,may Tama lang and pantay lang maningel. But as an event coordinator or organizer dapat alam mo din Ang gagawin mo, hindi yung Wala kang alam. Kaya nga organizer dapat organize,kaya nga coordinator so dapat you know how to coordinate. Hindi pwede na okay ma'am okay sir kami na bahala. Dapat Gawin mo Rin Yung Tama at nararapat Hindi pwede na kikita ka lang kailangan mo din paghirapan para naman Hindi masayang Ang bayad ni Client. Kaya Tayo binabayaran ni Client para sa service na inoofer natin sakanila. Hindi pwede papasok ka sa job na ito na iba naman Pala Ang Job descriptions mo. Hello! Hindi laro Ang pagiging organizer at coordinator, kaya kung Hindi naman Yun Ang passion mo better not to do it, Lalo na kung Wala ka namang alam sa job na yan. Better to do your job that suit your passion.
Supplier!
Yep dapat may mga supplier ka to help you with the things na kailangan mong Gawin, but again as organizer and coordinators you should know how to coordinate with the suppliers, meet with them, plan with them and most important is to communicate with them.
Hindi pwede na Ikaw Ikaw lang, kaya nga may suppliers ka,para maging maayos Ang kalalabasan ng events mo. But again You should communicate with them. And you should be Open Minded.
On the Day Events!😉
Isa sa nakakakaba and most challenging day,syempre ito na Yung big day,Hindi mo Alam ano ba kalalabasan ng events,pero as organizer and events coordinator you should be always prepared. Prepare ka sa ano mang changes na pwede mangyari, again you should learn to communicate with your team/suppliers. Hindi pwede na pag may binago,or dapat baguhin Ikaw lang Ang magdedisisyon, dapat you should talk with your suppliers na concern sa changes. Hindi pwede na magdedisisyon ka without telling the team or suppliers,it's a nono! So be sensitives.😉
Kung gusto mong maging maganda Ang kalabasan ng events.
Time and program 😉
Alam natin na pag may event Tayo esp. sa mga event centers my time limitation din, so Huwag naman pang maala maala mo kaya Ang program dapat Ang program natin sa Tama lang na Oras,so if alam mo na sobrang haba ng program talk with your client about it,if okay lang na mgaextend sa kanila no problem,pero kung Hindi better to do the right thing. Disccuss the program properly and make sure yung Emcee/host mo aware din. Hindi pwede na Ang host mo or emcee mo,Hindi pa tapos and program nakikipagparty na.😉🎉 Hello hawak nya Ang time aloted sa event at Ikaw na coordinator or organizers dapat bantay mo Sila. Ikaw Kasi Ang magsasabi sa kanila na o start na Tayo,o rest na Tayo, o Go na Tayo. Hindi pwede na Ikaw na organizer or coordinator nakipagparty na Rin ,hello 🤗 booking Ang binigay sayo Hindi invitations 😉 so be aware.
Syempre dapat as Event organizer or coordinator blooming dapat Lagi hahaha
Kahit pagud na, energetic ka padin🎉😉🤗
Para and Events mo Energetic din.
Sa mga new Dito and gustong maging events organizer and coordinator, hope makahelp to.
Marami pa ko gusto Sabihin kaso
Baka sobrang haba na di nyo na basahin🤗😉❤️