13/09/2026
ππππ πππππππ ππππππ πππππ, πππππππππ πππ πππππππ βππππππ ππ ππππππβ πππππππππ ππππ
NUEVA ECIJA β Ipinakita ni Merianne Gabrielle Villanueva Dekit, isang Novo Ecijana na haharap sa international stage ng Top Model of Universe Philippines, ang kanyang makulay at simbolikong departure look bago ang kanyang pag-alis.
Tinawag ni Dekit na βπ
πππ ππππππ ππ ππππππ: πππ ππππππππ πππππππππππππβ ang konsepto ng kanyang look, na tampok ang butterfly-inspired cut-out details sa isang custom creation ni designer Glenn Anacan Gonzalez.
Hindi lamang umano ito tungkol sa fashion. Para kay Dekit, sumisimbolo ang butterfly sa proseso ng pagbabago, tapang at pagharap sa mga hamon bago tuluyang βlumipadβ patungo sa mas malaking entablado.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Dekit ang kahandaang dalhin ang pangalan ng Pilipinas sa international competition.
βFrom the heart of the Philippines to the universe, I am ready to fly.β
Bahagi ng kanyang paghahanda ang kanyang pageant team sa pangunguna nina Pageant Owner Sir Ali Durgut at National Director Shandy Montecarlo Lim, kasama ang creative team, stylist at iba pang partners na sumuporta sa kanyang international journey.
Kabilang din sa mga kinilala niyang supporters ang ilang negosyo at tourism partners mula Nueva Ecija, kabilang ang Binibining Nueva Ecija at Nueva Ecija Tourism.
Sa kanyang pagharap sa pandaigdigang entablado, dala ni Dekit hindi lamang ang kanyang paghahanda bilang modelo at beauty queen, kundi maging ang kanyang pagkakakilanlan bilang isang Novo Ecijana at Filipina.
π¦π΅πβ¨ Mula sa βcocoonβ patungo sa cosmosβhanda nang ikampay ni Merianne ang kanyang mga pakpak sa international stage.
Samantala, maaari ring suportahan si Merianne Dekit sa pamamagitan ng online voting para sa Top Model of Universe.
π³οΈ πππππ ππππππ πππ ππππππππ?
Para sa online voting, maaaring puntahan ang official voting page:
ππππ πππ β https://topmodelofuniverse.com/vote
Mula sa Nueva Ecija patungo sa mundo, dala ni Merianne ang kanyang mga pangarap, determinasyon at pagmamalaki bilang isang Novo Ecijana at Filipina. π΅ππ¦π
By Aga Linsangan
CENTRAL LUZON STRAIGHT NEWS (CLSN)
Merianne Gabrielle Villanueva Dekit