16/05/2025
Crew Meal: Required ba to o eme lang?
Let’s be real, bakit parang hot topic lately ang crew meal?
May nagsasabing: “Dapat ba talaga silang pakainin? Hindi ba bayad na sila?”
May chika naman ng: “Grabe naman to, 10 hours kaming nagtrabaho tapos nakaplastic labo yung ulam?”
So ayan, let’s settle this (my opinion bilang hmua)
Crew meal is NOT a legal right.
Pero hindi rin siya dapat charity case.
Hindi naman kasi to parang office job na may lunch break at pantry.
Sa wedding, suppliers are on the go:
• Nagkandakuba kuba na si hmua habang inaayusan ka
• Nakadapa si videographer para sa dramatic gown shot
• Panic mode si coor kasi garden wedding ka pero wala kang backup na tent kahit tag-ulan na
Tapos 5PM na, di pa sila kumakain.
Now let’s be fair:
Hindi naman kailangan 3-course meal with wagyu.
Pero sana naman yung nakakahappy sa sikmura. Kanin. Ulam. Tubig.
(Not tinapay na walang palaman,kakanin na parang alay or pritong hita ng kalapati)
At sa mga kapwa ko suppliers naman,
Yes, we work hard. Yes, minsan 10 hours tayong nakatayo, walang tulog, walang pahinga.
But no mga ses, crew meal is not supposed to be a 5-star buffet.
Kung sa supplier terms mo nakalagay na “with crew meal,” good! Atleast malinaw.
Pero kung wala, let’s not act surprised or personally attacked kapag ang dumating ay packed meal na hindi pang IG story at pang-inggit sa kapwa mo supplier.
Let’s remember:
• Hindi tayo guests.
• Hindi ito lunch date.
• At lalong hindi ito part ng deliverables ng client sa atin.
Yung meal? Courtesy yon. Bonus. Respect token.
Hindi obligation ng couple na isali tayo sa table sa reception or pakainin tayo ng lechon belly with premium rice.
(Unless bride mo si Heart Evangelista, then push)
At kung talagang kailangan mo ng meal for energy or medication,
Magbaon ka, sis. Hindi nakakababa ng dangal ang may baon.
Mas nakakahiya pag kumakain ka ng pride habang nagdadrama sa packed lunch na inabot sayo.
Kung feeling mo nakakainsulto ang binigay,
usap kayo ng coordinator, professionally.
So please:
Let’s stop romanticizing the “dapat ganito” kung wala namang clear agreement.
We’re professionals. Let’s act like it.
At kung gusto mo ng crew meal na sure winner , ilagay mo sa kontrata mo. Walang gulo, walang hanash.
Trabaho lang, wag choosy.
Glam tayo, yes! pero huwag feeling celebrity.
Remember: we’re here to serve, not to be served. 😘
✍️ Credit to owner