
12/12/2024
"Perfect timing" Ika nga
Binalikan ng netizens ang naging pahayag ng OPM legend na si Rey Valera sa June 2018 episode ng 'It's Showtime' kung saan naluha ang noo'y 'Tawag Ng Tanghalan' contestant na si Sofronio Vasquez.
"Tuwing nakikita kita sa labas, ikaw lang ang nakikita kong walang kasama. Ikaw lang mag-isa. You're all alone. You are your best friend. Ikaw ang mentor mo, sarili mo. Ikaw na rin 'yung cheering squad mo at the same time. At kung hindi ka man ngitian ng lady luck ngayon, I'm sure dahil 'yon sa alam niya na ikaw ang gagawa ng sarili mong swerte at hindi mo siya kailangan."