03/10/2025
BIDA ANG PNP: MABILIS NA TUGON, BUHAY NASAGIP SA AKSIDENTE SA GENERAL TRIAS
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang mga operasyon para sa kaligtasan ng publiko at agarang pagtugon sa mga emerhensiya, muling ipinamalas ng Philippine National Police (PNP) ang kahusayan sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino.
Noong madaling araw ng Oktubre 1, 2025, sa ganap na ika-2:00 ng umaga, ang mga personnel ng General Trias Component City Police Station, sa pamumuno ni PMSg Marvin S. Panerio, mabilis at maayos na tumugon sa tawag ng kagipitan sa Barangay San Juan 1, Lungsod ng General Trias, Cavite.
Ang insidente ay may kinalaman sa isang self-inflicted accident. Dahil sa maagap at maingat na pagkilos ng PNP, agad na naihatid ang biktima sa Divine Grace Hospital upang mabigyan ng kinakailangang medikal na atensyon.
“Ang paglilingkod sa publiko ay hindi lamang tungkol sa pagpapatupad ng batas; ito rin ay tungkol sa pagsagip ng buhay at pagprotekta sa dignidad ng bawat Pilipino. Ang maagap at kabayanihang aksyon ng ating mga tauhan sa General Trias ay patunay ng walang sawang dedikasyon ng PNP sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga komunidad. Bawat buhay na ating natutulungan ay nagpapatibay sa ating misyon na maglingkod nang may tapang, integridad, at malasakit,” ani PNP Acting Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr.
Ang mabilis na pagtugon na ito ay nagpapakita ng maagap na pamamaraan ng PNP upang masiguro na laging may maabotang tulong ang publiko, at pinapalakas ang tiwala ng komunidad sa kapulisan.
“Dahil sa pagbabantay at dedikasyon ng ating mga opisyal, naililigtas ang mga buhay at napapalakas ang tiwala ng mga komunidad. Ang mga gawaing ito ay sumasalamin sa tunay na diwa ng paglilingkod ng Philippine National Police,” ani PNP Spokesperson PBGEN Randulf T. Tuaño.
Ang insidenteng ito ay patunay ng panata ng Philippine National Police: maagap na serbisyo, agarang aksyon, at malasakit sa puso ng bawat operasyon.