17/02/2022
Mga Bagay na Hindi puwedeng makompromiso (tipirin): 1st palagi>β food 2nd coordinator 3rd photo-video buong halaw>>"10 BAGAY NA PWEDENG TIPIRIN SA KASAL"π°π€΅
Masarap talaga magplano ng Dream Wedding kung hindi mo na kailangan isipin ang budget. Marami tayong gustong gawin at bilhin para mas lalong mapaganda ang once-in-a-lifetime event na ito.
Pero dahil nga "The Budgetarian Bride" tayo, ito yung mga bagay na pwede nating tipirin para madagdagan ang budget natin para sa Major Suppliers:
1. WEDDING SINGER π€ - Ako pangarap ko talaga yung parang eksena sa Crazy Rich Asians na "Can't Help Falling in Love" na may live nagviviolin habang lumalakad ako sa aisle. Pero 25 to 30k daw para sa violinist. Ayun ni let-go ko na, at Hello Spotify! 129 pesos per month lang ang membership. Ang laki ng savings, diba?
2. PRENUP SHOOT ποΈ - Masaya sana mag out of town tapos doon kayo mag Prenup. Kaso isipin din ang gastos: venue, food, accommodation, and transpo nyo at ng wedding suppliers mo. Kung magaling ang photographer mo kahit simpleng lugar mapapaganda yan sa picture.
3. WEDDING CAKE π - Para sakin hindi kailangan enggrande sa Wedding Cake, kasi gagamitin lang yan sa pictorial at sa cake Cutting Ceremony.
4. WEDDING SHOES π - Okay lang naman bumili ng bago, pero kung hindi afford ang branded, wag ng pilitin. Lalo sa Bride, kung mahaba ang gown hindi din naman makikita ang wedding shoes. Piliin kung saan ka komportable.
5. WEDDING RINGSπ - Importanteng symbol sa kasal ang wedding ring, pero kung bibili ka ba ng tig 50k na singsing, hindi ba nakakatakot isuot sya araw araw? At least kapag mura lang, masusuot mo kahit saan, kahit kailan.
6. BRIDAL CAR π - Kung may option na manghiram ng sasakyan o may sasakyan na hindi kulay puti, okay na yun. Matutuloy pa din ang kasal kahit anong kulay ang Bridal Car mo :)
7. SNACKS π© - Mag eenjoy talaga ang guests mo kung meron kang Unlimited Milk Tea, Cocktail Bar, Unlimited Donuts and Cookies. Pero ikaw ba unlimited ang budget mo?
8. "WILL YOU BE" PRESENTS π - Ito yung gifts na ibinibigay sa mga abay or ninong at ninang kapag sasabihin mo sa kanila na kukunin mo silang part ng entourage. May gift ka naman sa kanila sa araw ng kasal mo, at kung malapit talaga sila sayo, kahit walang regalo, papayag sila.
9. STYLIST π© - Kung maganda na ang simbahan, reception, at flower arrangements mo, hindi mo na kailangan pa ng stylist.
10. WEDDING INVITATION π - Para makatipid sa invitation, pwedeng DIY or pwede din ang e-invite (sa Messenger or Facebook group na lang). Bihira lang din naman sa mga bisita ang nagtatabi ng wedding invitations.
P.S. Hindi po ako against sa bongga at ginastusan na kasal. Kung pinag ipunan at pinaghandaan ng couple ang kasal na enggrande, deserve po nila makuha ang Dream Wedding nila. :)
π° Full excerpt from the budgetarian bride