16/04/2026
Mas lalong umiinit ang kompetisyon ng mga sikat na love teams sa bansa dahil sunod-sunod ang promo ng kanilang mga pelikula.
Nagsimula na ang JMFyang sa kanilang media conference, poster reveal, at mall show para sa “Almost Us.” Samantala, naghahanda naman ang DonBelle para sa bonggang beach-themed event nila sa Boracay para sa “Tayo Sa Wakas,” na inaasahan ding dadayuhin ng maraming fans.
Sa kabilang banda, may ilang tagasuporta ng FranSeth na tila dismayado dahil pakiramdam nila ay kulang pa ang promo ng kanilang pelikulang “She Who Must Not Be Named,” na nakatakdang ipalabas sa April 29.
Sa kabila ng mga usapin sa promo strategy, nananatiling positibo ang fans na magiging matagumpay sa takilya ang tatlong pelikula.