19/11/2025
IMEE VS. LIZA: KAPWA NAG-POST NG FAKE QUOTE CARDS LABAN SA ISA’T-ISA
Nagpainit muli ang bangayan sa loob ng First Family matapos ang palitan ng mga FAKE quote cards nina Senator Imee Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos.
Unang umingay ang isyu nang mag-post si First Lady Liza Marcos ng isang meme na may pekeng quote umano nya:
“Hindi na ako makikipagtalo sa’yo, dahil tutal, kapatid ka ng asawa ko at nirerespeto ko si mommy (Imelda). Pero yang mga pahayag mo peke, kasing peke ng mukha mong retokada.”
Sa caption, tinawag pa niyang “FAKE NEWS” ang kumakalat na content online.
Ilang oras lang ang lumipas, si Senator Imee naman ang naglabas ng sariling post, dismayado sa isa ring fake quote card na nakapangalan naman sa kanya, at halatang ginawa para gantihan ang viral post ni Liza.
Makikita sa kumalat na edited artwork ang pekeng pahayag na iniuugnay kay Imee:
“Oo, huwag mo akong awayin… ikaw ang pinaka-pangit na may pinakamalaking tiyan na puno ng droga at alak. Ang photos na-edit, pero ang hair follicle test hindi nareretoke.”
Agad niyang nilinaw sa kanyang opisyal na page:
“I did not post this. Thanks.”
Kasunod nito, nagkomento pa siya:
“Maging maingat po tayo sa mga pekeng pahayag. Ang mga tulad nito ay nakakadagdag lamang sa ingay na hindi naman makakatulong.”