10/06/2026
KATIPAN
"Pwede ba kitang ligawan?"
Ang mga katagang ito ay dapat na sineseryoso, lalo na kung kaanib ka sa loob ng Iglesia Ni Cristo.
"Maghihintay ako sa'yo,"
At ang mga katagang ito ay hindi lang dapat basta basta binibitawan, marapat mo itong sabihin nang may paninindigan.
"Ipinagpapanata kita."
Kapatid, huwag mong ipagpanata yung taong gusto mo. Hilingin mo yung taong gusto ng Ama para sayo.
Huwag kang iibig ng isang kaanib kung ikaw ay hindi pa handa.
Huwag kang iibig ng isang kaanib kung lolokohin mo lang pala.
At lalong huwag kang iibig ng HINDI kaanib, dahil magagalit sa'yo ang Ama.
Sa mga kapatid na kalalakihan, ingatan mo ang iyong katipan. At kapag nasaktan mo 'yan, sa Ama din lalapit 'yan.
Sa mga kapatid na kababaihan, pumili tayo ng lalaking mas mahal ang Ama. At matiyagang maghintay sa Kanyang inilaan.
Marapat na mahanap mo ang ilan mga katangiang ito sa iyong katipan o kabiyak.
โIglesia Ni Cristo (Roma 16:16)
โMapagmahal (2 Timoteo 2:22)
โMabait (Colosas 3:12)
โMahinahon at Magalang (Tito 3:2, I Pedro 3:16)
โMapagkumbaba (Filipos 2:3)
โMatuwid (II Timoteo 2:22, Tito 2:12)
โMasipag (Tito 3:17)
โMarangal at Matatag sa Pananampalataya (Tito 2:2)
โMalinis ang Pamumuhay (I Timoteo 4:12, Santiago 3:17, 1 Juan 3:3)
โTapat sa Pananampalataya (1 Timoteo 3:9)
โHindi Lasenggo (1 Timoteo 3:3,8)
โMabait na asawa ay galing sa Panginoon (Kawikaan 19:14)
๐๏ธ ; Alyssa De Guzman
๐Ctto.