18/11/2023
Magandang araw po mga kasama....
Kami po sa Samahan ay natutuwa at bukal sa pusong nagpapasalamat sa inyong pag suporta at pag subaybay sa aming Munting Grupo...
Nais lamang po naming ipabatid, na ang (letre Youth Choir) LYC po ay mananatiling naninindigan at naniniwalang ang samahan ay naglilingkod para sa DIYOS at tanging sa DIYOS lamang...
Gayunpaman, pinagpapaumanhin po namin na hindi na po pinayagan ang aming Grupo na maglingkod o umawit sa LETRE CHAPEL na aming sariling tahanan at pinagmulatan...
Sa kadahilanang kami po ay nangako ng paglilingkod sa ilalim ng San Antonio De padua... (mother church of letre chapel)...
At hindi sumunod sa alituntunin (KUNO) ng ating Mission station... (Letre Mission Station)..
Nakalulungkot man na ibahagi, kami po sa samahan ay labis ang kalungkutang nadarama mula nang malaman namin na kami ay suspendido sa paglilingkod at ito ay di dumaan sa legal at maayos na proseso...
Gayunpaman, ang samahan ay patuloy na maglilingkod at aawit sa mga lugar at bahay dalanginan na sa amin ay tatanggap..
Ikinalulungkot namin ang di maayos na suspensyon at paglibak sa aming grupo..
Ngunit bilang layko at lingkod ni KRISTO, kami ay patuloy na mananampalataya at susunod sa anomang alituntunin ng simbahan o Bahay Dalanginan na tatanggap sa amin...
Nawa ay Kasihan tayo ng Poong Maykapal..
LYC signing off...