DepEd Tayo Gagalot-Taytay ES Annex - Laguna Province

DepEd Tayo Gagalot-Taytay ES Annex - Laguna Province GTES-Annex Programs, Projects and Accomplishments.

Monitoring of Early Registration with our PSDS Ma'am Ginalyn B. Freo.Thank you Ma'am Ginalyn for visiting our school. Th...
01/02/2025

Monitoring of Early Registration with our PSDS Ma'am Ginalyn B. Freo.

Thank you Ma'am Ginalyn for visiting our school. Thank you for the TA regarding Early Registration, for explaining the necessary materials and MOVs for monitoring.

In an effort to strengthen mathematical skills and enhance critical thinking among young learners, the Majayjay sub-offi...
28/01/2025

In an effort to strengthen mathematical skills and enhance critical thinking among young learners, the Majayjay sub-office successfully conducted the Mathematics Teachers Association of the Philippines (MTAP) program for Grades 1 to 6.

The MTAP program focused on enriching the mathematical proficiency of students through a series of rigorous lessons and enrichment Activities.

During the MTAP sessions Gtes Annex learners excelled, proving that Gtes Annex truly embodies the qualities of being MATH-alino MATH -galing and Math-inik .

📌EARLY REGISTRATIONBilang paghahanda sa pagbubukas ng SY 2025-2026, ang paaralan ng Gagalot-Taytay Elementary School-Ann...
19/01/2025

📌EARLY REGISTRATION

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng SY 2025-2026, ang paaralan ng Gagalot-Taytay Elementary School-Annex ay magsasagawa ng EARLY REGISTRATION mula JANUARY 25-FEBRUARY 15. Inaanyayahan ang mga magulang o guardian na magtungo sa paaralan ng mga batang magpapatala.

Bukas po ang pagpapatala para sa mga INCOMING KINDERGARTEN, GRADE 1, BALIK-ARAL, at TRANSFEREE.

Huwag pong kalimutan ang mga dokumentong kailangan dalhin.

📌KINDERGARTEN
-Mga batang limang (5) taong gulang bago o hanggang AUGUST 31, 2025 (DepEd Order No. 47, s. 2016/DepEd Order No. 020, s. 2018)
-Magdala ng photocopy ng PSA/BIRTH CERTIFICATE

📌GRADE 1
-Mga batang magtatapos ng KINDERGARTEN sa SY 2024-2025.
-Magdala ng KINDERGARTEN REPORT CARD/ ECD CHECKLIST at photo copy ng BIRTH CERTIFICATE

📌TRANSFEREES
-Mga batang Grade 1-6 nagnanais lumipat sa GTES-ANNEX
-Magdala ng REPORT CARD at photo copy ng BIRTH CERTIFICATE

📌BALIK-ARAL
-Mga batang nagnanais bumalik sa pag-aaral
-Magdala ng REPORT CARD at photo copy ng BIRTH CERTIFICATE

Narito po ang numero na maaari ninyong tawagan para sa inyong mga katanungan.

IVVAHYAEL R. AÑONUEVO-09514230174
Kindergarten Adviser
GLENDA G. MEDINA- 09750890282
Grade 1 Adviser
RAMILO M. AQUINO- 09266692913
School Head

Maaari rin pong mag-comment o mag-message sa aming FB Page kung may mga katanungan.

Maraming salamat po! 🩵

District Festival of Talents1-10-2025Pasasalamat at pagbati sa mga batang nagpresenta sa ating paaralan para sa mga akti...
13/01/2025

District Festival of Talents
1-10-2025

Pasasalamat at pagbati sa mga batang nagpresenta sa ating paaralan para sa mga aktibidad na ito :

Read-a-thon:
English
-Story Retelling : Mary Shenrich Evangelista
-Story Resolution Challenge : Jomyl T. Dantic
Filipino
-LikhaWento : Princess Chloe D. Esquillo (8th Place)
-Tahilarawan : Jesha Mae T. Barba (6th Place)

HistoPop (Araling Panlipunan)
-Kasaysayan ng Pilipinas Kwiz : Irish Miel C. Doria (2nd Place)

Ang taglay ninyong husay at lakas ng loob ang nagsilbing inspirasyon sa ating paaralan upang patuloy na magbigay suporta sa mga kabataang tulad ninyo. Nawa’y magsilbi itong simula ng mas marami pang tagumpay na ating pagsasaluhan.

Maraming salamat din sa mga magulang, g**o, at tagapamahala ng paaralan na walang sawang nagbigay ng suporta sa ating mga kalahok. Ang inyong dedikasyon at malasakit ay tunay na kahanga-hanga.

Patuloy nating itaas ang bandera ng ating paaralan. Mabuhay kayo, at ipagmalaki natin ang ating natatanging talento!

Lubos ang aming pasasalamat sa mga 4Ps member ng Brgy. Taytay na walang pagod na nag tulungan sa paglilinis ng ating sch...
18/12/2024

Lubos ang aming pasasalamat sa mga 4Ps member ng Brgy. Taytay na walang pagod na nag tulungan sa paglilinis ng ating school lalo na ang mga daan na malumot. Dahil sa sunod-sunod na ulan, nagkaroon ng lumot na maaaring magdulot ng aksidente,ngunit dahil sa inyong malasakit at pagtutulungan, muli nating napapanatiling ligtas at maayos ang ating paaralan. Upang mapabilis ang pagtanggal ng mga lumot, kami po ay nag papasalamat mula kay Ate Joan Mercurio sa pagpapahiram ng power spray at sa pagtulong ng paglilinis mula sa ating School PTA president Ate Mylene.

Ang inyong dedikasyon at bayanihan ay tunay na inspirasyon para sa ating lahat. Salamat po sa inyong lahat sa patuloy na suporta at pagmamalasakit sa ating paaralan. God bless po sa inyong lahat ❤️

Muling pagpapasalamat sa ating mga TUPAD Members sa pagpapatuloy na pagtulong sa kalinisan at kaayusan ng ating paaralan...
28/11/2024

Muling pagpapasalamat sa ating mga TUPAD Members sa pagpapatuloy na pagtulong sa kalinisan at kaayusan ng ating paaralan. Bigyan nawa kayo ng poong maykapal ng kalakasan at magandang kalusugan upang mapag patuloy ang inyong kabutihang naidudulot sa ating komunidad.

Nakiisa ang paaralan ng Gagalot-Taytay Annex sa pagdiriwang ng 2024 Pambansang Buwan at Araw ng Pagbasa (PBAP)/ National...
22/11/2024

Nakiisa ang paaralan ng Gagalot-Taytay Annex sa pagdiriwang ng 2024 Pambansang Buwan at Araw ng Pagbasa (PBAP)/ National Reading Month na may temang "Sa PAGBASA may PAG-ASA". Nakilahok sa iba't-ibang gawain ang mga mag-aaral mula sa Kindergarten hanggang baitang anim. Ito ay magandang gawain upang magpatuloy pa ang kawilihan at kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbabasa. Layunin ng gawaing ito na pasiglahin ang pagmamahal sa pagbabasa ng mga mag-aaral at pahusayin ang kanilang malalim na pag-unawa sa mahalagang papel ng pagbabasa sa paglinang ng kanilang "critical thinking skills".

Bayanihan sa Paaralang Elementarya ng Gagalot-Taytay Annex Lubos na pasasalamat sa lahat ng nakiisa sa pagsasaayos ng at...
28/10/2024

Bayanihan sa Paaralang Elementarya ng Gagalot-Taytay Annex

Lubos na pasasalamat sa lahat ng nakiisa sa pagsasaayos ng ating paaralan matapos ang epekto ng Bagyong Kristine. Mula sa mga Brgy. Officials, sa pamumuno ni Kapt. Gerry Mirano, sa pagpapahiram ng powersaw upang mapabilis ang paghahawaan ng mga puno at sangang natumba. Sa ating mga SPTA Officers, sa pangunguna ni Pres. Mylene Dantic, sa mabilisang pag-aksyon upang mapabilis ang pag sasaayos ng paaralan. Sa mga taong nagbigay ng donasyon upang magkaroon ng meryenda at dagdag pondo sa pag sasaayos ng paaralan. At higit sa lahat, sa mga magulang, mga tatay, 4Ps at Majayjay Red Cross Representative, na patuloy at walang kuskos balungos na pagtulong sa paaralan. Ang inyong tulong sa paglilinis at donasyon ay naging mahalagang bahagi upang muling maibalik ang kaayusan at kalinisan sa ating paaralan.

Maraming salamat din po sa aming PSDS, Dr. Ginalyn B. Freo, sa agarang pagbisita para alamin ang kalagayan ng bawat paaralan matapos ang Bagyong Kristine. At para sa mga g**o, sa pangunguna ng ating Gurong Namamahala Sir Ramilo M. Aquino, sa patuloy na pag aasikaso sa mga mag-aaral kahit nasa Modular Distance Learning at walang sawang paggabay at pagsuporta sa mga magulang sa pag lilinis at pagsasa-ayos ng paaralan. Sa ating pagkakaisa, naipakita natin ang tunay na diwa ng Bayanihan at malasakit para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pagmamalasakit!

28/09/2024
28/09/2024
Anilinang Festival - Street Dancing 2024Pagkatapos ng limang taon, muli na naman tayo nabigyan ng pagkakataon sumali sa ...
28/09/2024

Anilinang Festival - Street Dancing 2024

Pagkatapos ng limang taon, muli na naman tayo nabigyan ng pagkakataon sumali sa paligsahang ito na ilabas ang talento sa pagsasayaw ang bawat kabataan !!!
Sa pinagsama-samang eskwelahan ng Elementarya ng Silangang Dalitiwan (Baki-Botocan ES, Gagalot-Taytay ES Main at Gagalot-Taytay ES Annex), kami po ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong bumuo ng programang ito. Malaking pagkakataon ulit na maipakita ng mga bata ang kanilang talento, hindi lang sa loob ng paaralan kundi pati narin sa labas ng paaralan.
Mula naman po sa Paaralan ng Gagalot-Taytay ES Annex kami po ay lubos na nagpapasalamat, unang una sa aming butinhing Kapitan ng Barangay Taytay, Kapt. Gerry Mirano, sa paghatid at sundo sa mga bata mula sa practice hanggang sa laban gamit po ang kanilang service na sasakyan. MARAMING SALAMAT PO!!! Para naman sa ating mga magulang na walang sawang sumuporta sa kanilang mga anak mula practice, costume making at sa laban ng bawat bata. Salamat po dahil malaking bagay po ang ginawa ninyo para lumakas ang loob ng bawat bata. At higit sa lahat, para sa mga batang lumahok sa programang ito, napatunayan ninyong hindi lang sa loob ng silid-aralan ang inyong talento. Hindi man natin nakamit ang minimithing maka sali sa mga award, kitang-kita parin kung panu ninyo binigay ang lahat ❤️ Huwag kayong panghinaan ng loob, dahil hindi dito matatapos ang inyong pangarap. Tuloy-tuloy lang tayo sa agos ng buhay at ang programang ito ang isa sa mga bagay na pwede ninyong pagkuhanan ng lakas ng loob!
Muli, Maraming Salamat and Congratulations po sa lahat ng mga lumahok!!! 🎉



Taos-pusong pasasalamat po sa parents po ng Kindergarten batch 2023-2024 at parents ng Kindergarten batch 2024-2025, sa ...
11/09/2024

Taos-pusong pasasalamat po sa parents po ng Kindergarten batch 2023-2024 at parents ng Kindergarten batch 2024-2025, sa pagtutulungan at suporta pong ibinigay ninyo para po maisakatuparan po ang inyong tulong at donasyon na mapalagyan ng tiles ang classroom ng Kindergarten para po sa ikaaayos ng silid para sa mga mag-aaral. Talaga pong kayang-kaya kapag sama-sama, muli maraming maraming salamat po. 🩵

Maraming salamat sa walang sawang pagsusumikap upang maging maganda ang kapaligiran ng ating paaralan mula sa mga magula...
07/09/2024

Maraming salamat sa walang sawang pagsusumikap upang maging maganda ang kapaligiran ng ating paaralan mula sa mga magulang ng Grade 5.

Maraming salamat po sa mga magulang na nag-atag mula baitang 1,3,4 at 6 at sa samahan ng mga 4ps sa patuloy na kalinisan...
05/09/2024

Maraming salamat po sa mga magulang na nag-atag mula baitang 1,3,4 at 6 at sa samahan ng mga 4ps sa patuloy na kalinisan at kagandahan ng paaralan. Salamat po sa walang sawang suporta na binibigay ninyo sa ating paaralan. ❤️

Maraming salamat po sa pag-aatag ng mga magulang mula sa Kindergarten. Salamat po sa pagpapaganda at pag-aayos ng ating ...
30/08/2024

Maraming salamat po sa pag-aatag ng mga magulang mula sa Kindergarten. Salamat po sa pagpapaganda at pag-aayos ng ating pong plant boxes. Muli po, taos-pusong pasasalamat sa patuloy na pagtulong at suporta sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating paaralan.

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2024FILIPINO WIKANG MAPAGPALAYA
19/08/2024

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2024
FILIPINO WIKANG MAPAGPALAYA

Address

Brgy. Taytay
Majayjay
4005

Opening Hours

Monday 8am - 12pm
Tuesday 8am - 12pm
Wednesday 8am - 12pm
Thursday 8am - 12pm
Friday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Gagalot-Taytay ES Annex - Laguna Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DepEd Tayo Gagalot-Taytay ES Annex - Laguna Province:

Videos

Share