11/05/2026
Hindi lahat ng naka-uniporme ay awtomatikong simbolo ng proteksyon. Sa viral na video na ito, isang pulis naman ang inirereklamong nanakit umano sa sarili niyang kinakasama.
Mabilis na umaksyon ang awtoridad matapos kumalat online ang isang viral video kung saan makikitang umano’y sinasaktan ng isang pulis ang kanyang live-in partner.
Sa video, makikitang nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo ang magkasintahan bago ito tuluyang humantong sa marahas na komprontasyon. Kalaunan, tila hindi na umano napigilan ng suspek ang kanyang galit at paulit-ulit na pinagsusuntok ang biktima. Makikita rin sa video na bumagsak pa sa sahig ang kanyang kinakasama habang nagpapatuloy ang insidente.
Dahil dito, agad umanong sinibak sa pwesto ang nasabing pulis, dinisarmahan, at isinailalim sa restrictive custody habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP).
Umani ng matinding reaksyon mula sa netizens ang video, lalo na’t inaasahan ng publiko na ang mga nasa hanay ng kapulisan ay siyang nangangalaga sa kaligtasan ng mamamayan — hindi ang inuugnay sa karahasan.
Sa kanyang post, sinabi ng babae na ilang taon umano niyang tiniis at piniling manahimik kahit siya pa ang napapasama sa kwento. Ayon sa kanya, napuno na siya kaya nagdesisyon siyang magsalita at ilabas ang video upang maipagtanggol ang kanyang sarili.e
Sa ngayon, wala pang inilalabas na kumpletong detalye ang mga awtoridad kaugnay sa buong pagkakakilanlan ng sangkot habang isinasagawa ang mas malalim na imbestigasyon.
📌 Panoorin ang video sa pin comment section
——————————-
Sa tingin mo, sapat ba ang naging agarang aksyon ng PNP sa ganitong klaseng insidente?