18/09/2026
BAKIT NGA BA MAS MAHAL ANG ROUND BOUQUETS? 💐✨
May nagtataka ba kung bakit magkaiba ang presyo ng standard at round bouquet arrangement? Here’s a quick trivia para sa ating mga flower lovers! 👇
💙 1. Mas Maraming Wrappers & Materials:
Para makuha ang buo, dense, at perpektong 'round' look, mas marami tayong nagagamit na wrappers, fillers (tulad ng baby's breath), at iba pang kagamitan kumpara sa standard wrapping.
💙 2. Mas Metikuloso at Precision Layouting:
Hindi lang basta nilalagay ang bawat bulaklak! Kailangan itong i-align nang maayos at tinitingnan pa sa mirror ang bawat anggulo para masigurong pantay at bilog na bilog ang hugis.
💙 3. Kung fuzzywire flowers:
Nangangailangan ito ng mas maraming materyales at metikulosong pag-aayos para makuha ang tamang kapal at ganda ng pagkaka-round.
💙 4. Mas Matagal ang Oras at Labor:
Dahil sa complex layering at shaping, mas mahabang oras, tiyaga, at skill ang kailangan para makabuo ng isang magandang round bouquet.
Kaya naman, worth it na worth it ang bawat detalye dahil nakakasigurado kayong gawa ito nang may pagmamahal at kalidad! 💯
📍 Los Baños Bouquets-iBloom Galleria
📩 Send us a message today to order your customized handmade bouquets!