02/09/2024
Stay safe po tayong lahat!
#𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗣𝗮𝘀𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗮𝗵𝗲𝗻𝘀𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗟𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗺𝗮𝗹𝗶𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗼𝗽𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗿𝘂𝗺𝗲𝗿𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝗱𝗲 𝗮𝘁 𝗻𝗮𝗴𝗯𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗲𝗱𝗶𝗸𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗺𝗶𝗱𝗮𝗱, 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀, 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗲𝘀, 𝗶𝗸𝗮-𝟯 𝗻𝗴 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲.
𝗡𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶 𝗿𝗶𝗻 𝗽𝗼𝗻𝗴 𝘀𝘂𝘀𝗽𝗲𝗻𝗱𝗶𝗱𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗹𝗮𝘀𝗲 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗮𝗻𝘁𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼 𝗮𝘁 𝗽𝗿𝗶𝗯𝗮𝗱𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻, 𝗸𝗮𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗳𝗮𝗰𝗲-𝘁𝗼-𝗳𝗮𝗰𝗲 𝗮𝘁 𝗼𝗻𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗰𝗹𝗮𝘀𝘀𝗲𝘀.
Ito po ay batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA at rekomendasyon ng Bataan PDRRMO upang mapangalagaan ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral at mga kababayan sa inaasahang malakas na pag-ulan at bugso ng hangin dulot ng habagat na pinalalakas ng bagyong .
Maaari pong tumawag sa mga sumusunod na numero kung kailanganin ng dagliang tulong:
Emergency Hotline - 911
Landline - (047) 613-8888
Smart - 0919 914 6232
Globe - 0927 605 6991
Patuloy naman pong nakahanda at nagmomonitor ang ating Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) upang tumugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayang malalagay sa panganib dulot ng masamang panahon.
Gamitin po natin ang pagkakataong ito upang patuloy na magdasal, maghanda at sundin ang mga hakbang upang makaiwas sa aksidente at pinsala. Ibayong pag-iingat po sa lahat.