10/11/2019
Mahigit 15 taon na rin ng ang Kaguluhan ay nagwakas. Habang buhay namin siyang nakabakas sa aming mga alaala.
Mahigit 15 taon na rin ang aming music festival na itinaguyod para sa pagdiskubre ng mga magigiting na banda sa eksena ng Kabite.
Maraming magaganda at masalimuot na alaala ang aming naranasan mula nung unang taon hanggang sa kanyang pagwawakas. Ganun talaga ang isang pa-gig; napakagastos, nakakapagod, nakakairita pero napakasaya...at salamat na rin na naranasan natin yun.
Maraming salamat kay Charles Daza ng SIN - Philippines at ang kanyang bagong bukas na Art Dojo, sa kanyang pagpinta nitong komemoratibong obra maestra na habang buhay naming bibigyan ng halaga.