21/10/2025
Kaninang hapon lamang ay dinampot ng Manila Police District ang kaibigan nating si DECAY sa Mendiola matapos ang payapang kilos-protesta. Walang warrant at walang sapat na ebidensya para arestuhin siya, pero kahit na ganito ay kinuha pa rin siya mula sa loob ng pribadong arkilang jeep.
Mangangailangan ng pang-piyansa para palayain siya mula sa mga kasong ipapataw sa kanya. Maaari natin siyang tulungan sa pamamagitan ng pagbigay ng kahit magkanong kaya natin sa QR code na nasa ibaba.
Kung mayroong katanungan o ibang tulong na nais ipaabot, mangyaring mag-chat lamang dito sa aming page.
PALAYAIN SI DECAY!
PANAGUTIN ANG MGA ILIGAL NA UMARESTO SA KANYA!
PANAGUTIN LAHAT NG KURAKOT!