Papa Prince 949

Directions Website

Papa Prince 949 β„π•’π••π•šπ•  𝕕𝕛 𝕒π•₯ ℝ𝕒𝕕π•ͺ𝕠 π”Ήπ•’π•Ÿπ••π•–π•£π•’ ℂ𝕒π•₯π•’π•£π•žπ•’π•Ÿ

Happy 15th Birthday, Sechem Apolong! πŸŽ‚πŸŽ‰πŸ’–Happy birthday bunsoπŸ˜ƒπŸŽ‰
18/10/2026

Happy 15th Birthday, Sechem Apolong! πŸŽ‚πŸŽ‰πŸ’–

Happy birthday bunsoπŸ˜ƒπŸŽ‰

17/10/2026

Hays traffic nanamanπŸš˜πŸš—πŸš™

17/10/2026

Aga nga matun-ogπŸ‘€

15/10/2026

DSWD, NAGBABALA SA MGA CONTENT CREATOR NA MANGLALAIT SA MGA PWD

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maaaring maharap sa legal na pananagutan ang mga indibidwal na nangungutya, nanlalait o gumagawa ng diskriminasyon laban sa mga person with disabilities (PWDs), kabilang ang mga taong may autism at iba pang neurodevelopmental conditions.

Kasunod ito ng kontrobersiyal na episode ng podcast na Machong Chismisan, na muling nagbigay-pansin sa usapin ng paggalang sa dignidad at karapatan ng mga taong may kapansanan.

Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, nararapat na igalang ng mga content creator ang dignidad, privacy at mga karapatan ng mga PWD, kabilang ang mga taong may kondisyon sa kalusugang pangkaisipan at mga dumaranas ng psychosocial crisis.

Binigyang-diin ni Dumlao na hindi katanggap-tanggap ang paggamit sa kapansanan ng isang tao bilang katatawanan, pangungutya o paraan upang makakuha ng mas maraming atensyon at engagement sa internet.

Aniya, ang ganitong gawain ay maaaring magpalaganap ng mapaminsalang stereotype at magpalala ng diskriminasyon laban sa mga bulnerableng sektor ng lipunan.

Ipinaalala rin ng DSWD na sa ilalim ng Republic Act No. 7277 o Magna Carta for Persons with Disabilities, na inamyendahan ng Republic Act No. 9442, may mga probisyon laban sa pang-aalipusta at pagpapahiya sa mga PWD, kabilang ang mga gawaing saklaw ng batas.

Dahil dito, pinaalalahanan ang publiko at mga gumagawa ng online content na maging responsable sa kanilang mga pahayag at kilos, at tiyaking hindi naaapakan ang dignidad at karapatan ng ibang tao.

Source: Department of Social Welfare and Development (DSWD)

Radyo Bandera Catarman 88.1 β€” Basta Radyo Ibandera mo!

15/10/2026

14-ANYOS NA LALAKI, SINAKSAK ANG SARILING INA MATAPOS PAGSABIHANG MAG-ARAL

Sinaksak sa tiyan at dibdib ng isang 14-anyos na lalaki ang kaniyang 37-anyos na ina nitong Miyerkules sa Laoag City, Ilocos Norte, matapos umano siyang pagsabihan na mag-aral.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, nairita at nagalit umano ang menor de edad nang paalalahanan siya ng kaniyang ina na pagtuunan ng pansin ang kaniyang pag-aaral at bawasan ang pakikibarkada.

Agad namang humingi ng tulong ang biktima at naisugod sa ospital. Sa pinakahuling ulat, nasa stable na kondisyon na ito at patuloy na nagpapagaling.

Nasa kustodiya na ng Laoag City Police Station ang menor de edad sa tulong ng City Social Welfare and Development Office para sa kaukulang proseso.

Source: BULGAR

Radyo Bandera Catarman 88.1 β€” Basta Radyo Ibandera mo!

15/10/2026

ULITAWO, PATAY SA SULOD SAN LODGING HOUSE KATAPOS UMANO SAN IKAPITO NGA ROUND SAN PAKIGTALIK

Sayo nga lalaki an nasiring nga namatay sa sulod san sayo nga lodging house sa Lanao del Sur, katapos umabat sin tigda nga panluya san lawas ngan kakurian san pagginhawa.

Subay sa impormasyon nga nagsasarang, nag-check in umano sa usa nga lodging house an lalaki nga ginkikilala si alyas nga β€œSambortoy,” upod an iya inggids nga ginkikilala naman sa alyas nga β€œMelody.”

Sumala sa ginsumat ni Melody, katapos san ira ikapito nga round san ira bembang, tigda kuno nanluya an lawas ni Sambortoy ngan nagkuri pagginhawa.

Gindara dayon siya sa ospital, pero gindeklarar nga dead on arrival.

Samtang, lakip sa mga posible nga hinungdan san iya kamatayon an atake sa kasingkasing o stroke. Pero tubtob yana, waray pa kumpirmado nga resulta nga magpapamatuod san tinuod nga hinungdan han iya kamatayon.

Pahinumdom: Likayi an sobra nga pisikal nga pagpangalimbasog, labi na kon mayaon na daan nga sakit sa kasingkasing o iba pa nga kondisyon sa kahimsog. Kon makabati sin kasakit sa dughan, tigda nga panluya san lawas, o kakurian sa pagginhawa, dayon pangaro sin bulig medikal.



15/10/2026
15/10/2026

ALBERT L. PINCALEN, KILALA BILANG SIR BEYONG, NAGKAMIT NG HONORABLE MENTION SA 2026 GAWAD BIENVENIDO LUMBERA

Isang panibagong pagkilala ang nakamit ng g**o at manunulat na si Albert L. Pincalen, na mas kilala sa social media bilang Sir Beyong, matapos makamit ang Honorable Mention sa kategoryang Creative Nonfiction ng 2026 Gawad Bienvenido Lumbera.

Bukod sa pagiging g**o at manunulat, kilala rin si Pincalen bilang isang content creator sa social media. Sa pamamagitan ng kaniyang mga likha at nilalaman, patuloy siyang nakikilala ng publiko habang isinusulong ang kultura, panitikan, at identidad ng mga Waraynon.

Sa kaniyang pahayag, nagpasalamat si Pincalen sa mga taong naging inspirasyon niya sa pagsusulat, sa patuloy na sumusuporta sa kaniya, at sa kaniyang mga mentor na gumabay sa kaniyang paglalakbay bilang manunulat.

Bago ang pinakahuling pagkilalang ito, kinilala rin siya bilang Most Promising Writer sa ika-18 Lamiraw at tumanggap ng parangal na Masterful Use of Language in Ninorte Samarnon sa IBABAO WW.

Ayon kay Pincalen, magpapatuloy siya sa pagiging instrumento sa pagpapaunlad ng kultura, literatura, at identidad ng mga Waraynon.

Nakatakdang parangalan ang mga nagwagi sa Disyembre 1, 2026, mula alas-2:00 hanggang alas-4:00 ng hapon, sa Metropolitan Theater sa Maynila.

Pagpupugay kay Albert L. Pincalen o Sir Beyong sa patuloy na pagbibigay-buhay sa panitikang Waray at kulturang Nortehanon!

Radyo Bandera Catarman 88.1 β€” Basta Radyo Ibandera mo!

14/10/2026

PANAWAGAN NG TULONG PARA KAY JOSEPH ATENCIO ACIBAR JR., 17 ANYOS

Isang concerned na kapitbahay ang lumapit sa Radyo Bandera Catarman 88.1 upang humingi ng tulong at maibahagi sa publiko ang kalagayan ni Joseph Atencio Acibar Jr., 17 taong gulang, na taga-Brgy. Uno, Pambujan, Northern Samar.

Ayon sa impormasyong ipinaabot sa istasyon, kasalukuyang naka-confine si Joseph sa isang ospital sa Catarman. Kailangan umano siyang i-refer sa Tacloban para sa kinakailangang operasyon sa ulo dahil sa naipong tubig dito.

Gayunman, nahihirapan ang pamilya na tustusan ang mga gastusin sa pagpapagamot at pamasahe upang madala siya sa Tacloban.

Dahil dito, nananawagan ang kanyang mga kaanak sa tulong ng mga taong may mabubuting puso na maaaring makatulong sa kanyang pagpapagamot at iba pang pangangailangan.

Anumang tulong, maliit man o malaki, ay malaking bagay para kay Joseph at sa kanyang pamilya sa gitna ng kanilang pinagdaraanan.

Sa mga nais mag-abot ng tulong, maaari pong makipag-ugnayan sa pamilya upang matiyak ang paraan ng pagtulong at ang kanilang mga pangangailangan.

Sama-sama po tayong magbigay ng pag-asa kay Joseph. Nawa'y makarating sa kanya ang tulong na kailangan niya.

Radyo Bandera Catarman 88.1
Basta Radyo Ibandera mo!

Address

Gamay

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Papa Prince 949 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category