22/03/2026
TIP SA MGA IKAKASAL 💍
Alam naming marami sa inyo ang nagtitipid sa wedding preparations, and that’s completely understandable. Pero isa sa pinaka-madalas na nakakalimutan o sinasadyang tanggalin sa budget ay ang pagkuha ng event ORGANIZER o COORDINATOR.
Pero tanungin niyo muna ang sarili niyo:
Gusto niyo bang sa araw ng kasal niyo… kayo ang PAGOD, PROBLEMADO, at ABALA?
Marami na akong nasaksihang kasal na imbes na naka-upo lang ang bride at groom, relaxed at ine-enjoy ang bawat moment, e hindi nangyari. Sila mismo ang tumatakbo sa likod, nag-aasikaso ng program, kinakausap ang suppliers, at nagso-solve ng problems. Instead of memories, ay naging stress ang naaalala nila.
Ang totoo?
Hindi niyo trabaho mag-manage sa araw ng kasal niyo. Trabaho niyo magmahalan at mag-enjoy.
Kaya sa mga hindi pa kumpleto ang suppliers,
huwag niyong kalimutan ang coordinator at organizer.
Pumili kayo ng legit, may experience, at subok na. Napakarami nila.
Isang araw lang kayo ikakasal.
Huwag niyong hayaang mapalitan ng pagod at stress ang dapat sana ay pinaka-masayang araw ng buhay niyo.
👉 Invest in peace of mind.
👉 Invest in your moment.
- Host Cherry