11/02/2018
Buwan ng mga Puso, at Buwan ng Sining... Tara, date tayo, kaming mga taga Sanghabi, Aguus Initiative, United States Government Alumni Association - Davao, Cycle For Life, at Ateneo Debate Varsity ay malugod na nag iimbita sa inyo na sumali sa "Romancing Baybayin: A Workshop on Baybayin". Ito ay isang pampublikong pandayan (workshop) sa pagdiriwang ng Buwan ng Sining ngayong Pebrero, 2018.
Magkita-kita tayo sa ika-26 ng Pebrero, 2018, 3:00 PM hanggang 6:00 PM sa American Corner, 2nd Floor Weimann Bldg. (malapit sa Library), Ateneo de Davao University, Jacinto St., Davao City.
I-kontak lang si ayyi gardiola para kumpirmahin ang inyong pagdalo sa 09424924460 bago mag ika-25 ng Pebrero, 2018. Maraming Salamat!
Panuorin ang teaser video na ito ng nakaraang workshop nung 2017: https://www.youtube.com/watch?v=7OgCYWM8uQQ
Ang ating Tagapagpadaloy, si kuya Leo Castro (Hibla Sanghabi Castro) ay ang executive director ng Sanghabi. Isa sya sa mga pangunahing tagapagpadaloy at taga saliksik ng kultura ng organisasyon. Siya ang may akda ng "Pahingalay as Ritual as well as a Baybayin inspired template on creative development entitled The A U I of Creative Personality and Work."
Isa sya sa mga tagapagsalita ng Likha Pilipinas 2015, na inorganisa ng Cultural Center of the Philippines, National Commission on Culture and the Arts at De La Salle University-Taft.
Noong Agosto 2016, siya ay isa sa mga na-i feature sa "The Story of the Filipino" ng CNN, at iba pang mga palabas sa telebisyon, at mga artikulo. Madalas siyang magbahagi ng kanyang dunong ukol sa kahalagahan ng pag-aaral ng ating katutubong musika, sayaw at pamamaraan ng pagsulat (Baybayin) at koneksyon nito sa ating katauhan at pagkakakilanlan bilang indibidwal at bilang mga Pilipino.
Aguus Initiative, Ateneo Debate Varsity, Cycle For Life