16/05/2026
REAL TALK‼️
📌 “PAANO MAGING HANDA KUNG MAWALAN NG KURYENTE SA ARAW NG KASAL?” 🤔💡
Isa ito sa pinaka kinakatakutan ng mga ikakasal — ang biglang brownout sa wedding day. 🥺 Imagine… tumigil ang program, uminit ang venue, maapektuhan ang food, o kaya hindi ma-capture nang maayos ang photos and videos dahil madilim. Nakaka-stress talaga isipin‼️
Pero good news — kayang iwasan o ma-manage ang ganitong situation basta prepared kayo ahead of time. 💍✨
⚡ HETO ANG MGA DAPAT IHANDA:
1️⃣ CHECK THE VENUE’S POWER SITUATION📍
Before booking your venue, itanong agad kung madalas bang mawalan ng kuryente sa area or paano kapag nawalan ng kuryente. May backup power ba sila? Gaano katagal usually ang outage kapag nagka-aberya?
Mas importante ito lalo na kung:
✔️ Outdoor wedding
✔️ Province venue
✔️ Tag-ulan ang wedding date
✔️ May outage sa kuryente / power interruption
Better na alam niyo agad para may backup plan kayo.
2️⃣ SIGURADUHIN MAY GENERATOR SA VENUE 🔋
Huwag basta maniwala sa “meron naman pong generator.” Ask questions:
✔️ Kaya ba nito ang lights, sounds, aircon, catering equipment, at ibang essentials?
✔️ Ilang oras ito kayang patakbuhin?
✔️ Nasusubukan ba regularly?
If NEEDED or KUNG KAYA, mas okay na mag-rent ng sariling generator for peace of mind. Isa ito sa best investments para iwas stress sa wedding day.
3️⃣ INFORM ALL YOUR SUPPLIERS 📢
Importanteng aware ang:
✔️ Coordinator
✔️ Caterer
✔️ Photo & Video Team
✔️ Lights & Sounds
Para ready rin sila sa possible emergency setup.
For example: 📸 Ang Photo & Video team dapat may backup lights. 🍽️ Ang Caterer dapat kayang i-maintain ang food quality kahit may interruption.
4️⃣ MAGHANDA NG EMERGENCY LIGHTS 🔦🕯️
Always prepare:
✔️ Flashlights ✔️ Rechargeable lights ✔️ Battery-operated lamps
Bonus na rin ito dahil puwede siyang maging additional romantic ambiance sa reception kapag needed. ✨
5️⃣ MAGKAROON NG BACKUP PLAN 📋
Dito sobrang importante ng maayos na coordinator.
Dapat malinaw:
✔️ Sino magche-check ng generator?
✔️ Ano ang gagawin kapag nag-brownout during ceremony?
✔️ Paano itutuloy ang program smoothly?
Kapag organized ang team, hindi na kailangang ma-stress ni bride at groom. 🤍
💡 REMEMBER:Natural lang kabahan, pero mas nakakagaan ng loob kapag alam mong handa kayo sa kahit anong unexpected situation.
At the end of the day, ang pinaka importanteng mangyayari pa rin ay ang pag-iisang dibdib ninyo. 💍✨