15/05/2026
https://www.facebook.com/share/p/1CqDPWnjxe/
Nasa Red Alert status ang Luzon Grid ngayong Biyernes, Mayo 15, 2026, dahil sa manipis na reserba ng kuryente bunsod ng mataas na demand at forced outage ng ilang power plants sa Luzon.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines at Department of Energy, posibleng magkaroon ng rotational brownout o manual load dropping sa ilang bahagi ng Meralco franchise area, kabilang ang ilang lugar sa Cavite.
Kabilang sa mga naunang naapektuhan o isinama sa advisories ng Meralco ang ilang bahagi ng Carmona, Dasmariñas, Imus, at General Mariano Alvarez.
Pinapayuhan ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente lalo na tuwing peak hours at maghanda ng emergency lights at fully charged na communication devices sakaling magkaroon ng power interruption.