07/02/2026
❗️
Pagtanggal sa Travel Tax: Mas Abot-kayang Paglalakbay
Ipinila natin ang House Bill No. 7443, the Travel Tax Abolition Act of 2026, upang maibsan ang gastos sa pagbiyahe ng ating mga kababayan, alinsunod na rin sa Karapatan sa Paglalakbay na nakapaloob sa ating Konstitusyon, at kabilang sa mga alituntunin ng ASEAN.
Sa pagtanggal ng Travel Tax, na ngayo’y nagkakahalaga nang mula sa P1,620 hanggang P2,700 kada tao, magiging mas abot-kaya na sa mga Pilipino and pagbiyahe upang bisitahin ang ating mga mahal sa buhay, mag-aral o magtrabaho, at mamasyal.
Sinisigurado ng panukalang ito ang patuloy na pagpapalalakas ng suporta sa edukasion, turismo, at sa mayaman nating kultura sapagkat diretso nang popondohan ang mga ito ng ating national budget, at hindi na kailangan pang gawing pabigat sa mga manlalakbay.
Hinahangad nating pasiglahin ang sektor ng turismo at ang mga maraming kabuhayan na nakasalalay dito, at inaasahan nating mas marami pang mga Pilipino ang makakakita at makararanas ng ganda ng ating bayan at ng mundo.