07/12/2025
I, Gabrielle Santos from BSHM 3E Head organizer of Skills Competition ay humihingi ng dispensa sa inyong pagka dismaya sa Event na ginanap ng december 6, 2025 sa CVSU-CCC Unlad Building (Annex).
Una sa lahat wala pong kinalaman ang AIHMS sa pag handle ng pera (Registration Fee), sa amin po binayad ng inyong mga representative ang inyong mga registration fee sa kadahilanang tinatawagan niyo silang βKURAKOTβ.
Binayad ito sa,
-Lights and Sounds
-Photographer
-Foods ng mga inimbitang Judges
-tokens for Judges
-designs
-certificates
-Glass Plaques
-Acrylic Medals
-Rentals ng tables and cloths
-etc
Ang inyo pong representatives at kaming mga organizers ay nagkaroon ng meeting, inorient po namin sila about sa skills competition at saan po gagastusin ang binayad sa registration fee.
Hindi ko minamaliit ang inyong registration fee, ang natanggap po naming registration fee ay hinati sa tatlong event. SEMINAR, SKILLS COMPETITION, at PAGEANT. Na kahit kaming mga organizers ay gumastos rin at triple pa sainyong registration fees.
Sa venue, hindi naman talaga ito magaganap sa unlad building. Ito ay pinaghandaan ng HM Faculty Members at pati rin ng AIHMS sa Montano hall para mas malaking venue, malamig, komportable at lahat ng estudyante ay makaka-upo.
Schedule ng tatlong event ay
SEMINAR - 7am to 12pm
SKILLS COMPETITION - 12pm to 4pm
PAGEANT - 4pm to 7pm
Sa ikli ng oras, mapagkakasya ko ba kung bibigyan ko ng tig 30 mins ang mga participants ng Mix and flair para maipamalas nila ang kanilang talento at dapat matapos ito bago mag 4pm? Syempre hindi! Dahil ako ay sumunod sa oras na binigay sa akin dahil inaalala ko ang mga tao sa loob ng katabing Ospital, nakakahiyang magsaya at mag OT habang may emergency sa loob.
Kung kayo po ay frustrated and disappointed sa nangyari, ganon den po kaming mga organizers pati narin ang HM Faculty Members ( Sir Seuz Cantela, Sir Ramie Catubig and James Cabidog) especially AIHMS president na saksi sa lahat. Hindi ko matanggap ang mga salita na aking nababasa patungkol sa AIHMS officers and HM Faculty Members, Hindi niyo alam ang mga sakripisyo, pagod, gutom, pagkakasakit at gaano kami nag aalala kung ipagpapatuloy ba ang event na to.
Itong event na ito ay samin pinahandle dahil mayroon kaming βMICEβ Subject alam ng 4th year yan dahil naranasan din nila ang gumawa ng event. Sa mga 1st year, 2nd year, and incoming 3rd year mararanasan niyo rin ito.
As a first timer, sobrang saya ng puso ko dahil nakaya ko ang pag handle ng ganitong Event, Kahit during event gusto kong tumakbo papalayo at umiyak dahil sa pagod, at problema. Pero hinarap ko yun, naumpisahan ko na edi tatapusin ko, sa lahat ng Coaches, participants, Aihms, judges and Prof. maraming salamat po sainyong tulong!
Successful ba ang aming event? YES! kahit maraming natatanggap na negative. Mararanasan/Naranasan niyo rin ito.