24/03/2025
LTO DISTRICT OFFICE ALICIA, NAGSAGAWA NG IBA'T IBANG INISYITIBA PARA SA ROAD SAFETY SIMINAR
Sa pagdiriwang ng Women's Month 2025, naglunsad ng iba’t ibang programa ang mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa district office Alicia bilang pagkilala at pagpapahalaga sa kababaihan.
Sa panayam ng DY patrol Kay Ginoong Dennis Buendia hepe ng LTO Alicia district office ay binigyan ng tokens ang unang limang babaeng kliyente at naglaan ng special lane para sa kanila libreng Theoretical Driving Course ang handog noong March 1-2 para bigyang kakayahan ang essential safety road knowledge at driving skills.
Nag-set up rin ng priority lane para sa kababaihan ang LTO, habang pinalamutian ng mga banner at artwork na sumisimbolo sa women's empowerment ang LTO Alicia district office.
Dagdag pa ni Buendia Sa pamamagitan ng mga naturang inisyatiba, ipinapakita ng LTO Alicia district office ang kanilang dedikasyon sa pagpapalakas ng karapatan ng kababaihan at pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa lipunan.
Bilang bahagi patuloy na adbokasiya para sa mas ligtas at responsableng pagmamaneho at suportang aktibidad na muling magsagawa katuwang ang Land Transportation Office - district office (LTO), ng Drivers' Training on Road Safety and Ethics para sa mga estudyante mula sa iba't-ibang departamento ng Isabela state University San Mateo na ginanap noong ika-19 ng taong kasalukuyan.
Sa unang batch ng nasabing pagsasanay, mayroong mahigit kumulang 1000 na mga estudyante mula sa iba't ibang bayan ang lumahok.
Layunin ng pagsasanay na ito na itaas ang kamalayan ng mga tsuper sa mga batas-trapiko, disiplina sa kalsada, at tamang asal sa pagmamaneho.