CIA Bayanihan Media Channel Isabela

Directions

CIA Bayanihan Media Channel Isabela Music/News

09/10/2026

INTERVIEW MAYOR FLORENZ ZUNIEGA SA KANYANG KAARAWAN

KAARAWAN NI MAYOR ZUNIEGA, DINAGSA NG LIBU-LIBONG MAMAMAYAN NG CORDONDinagsa ng Libu-libong mamamayan ang selebrasyon ng...
09/10/2026

KAARAWAN NI MAYOR ZUNIEGA, DINAGSA NG LIBU-LIBONG MAMAMAYAN NG CORDON

Dinagsa ng Libu-libong mamamayan ang selebrasyon ng kaarawan ni Municipal Mayor Hon. Florenz M. Zuniega ng Cordon Isabela noong, ika-8 ng Octobre 2026.

Ang mga dumagsa ay mula sa iba't-ibang Barangay ng Cordon Isabela na ang layunin ay upang ipadama ang kanilang pagmamahal sa kanilang alkalde, ang nagplano sa nasabing selebrasyon katuwang ang mga empleyado ng LGU Cordon na ang layunin ay upang mapasaya ang kanilang mga kababayan.

Sa selebrasyon ng kaarawan ni Mayor Zuniega ay maituturing itong makasaysayan at makabuluhan dahil sa kabila ng crisis sa ating bansa ay nagawa pa nitong mapasaya at maregaluhan ang mga mamamayan na kanyang nasasakupan.

Ang tunay na lider na kailangan ni Agila sa Cordon na nagseserbisyong mag-ama para sa Bayan todo suporta rin si Municipal Administrator Atty. Michelle Queddeng sa selebrasyon ng kaarawan ng alkalde.

MEDICAL MISSION, ISINAGAWA SA BAYAN NG CORDON BILANG SELEBRASYON NG KANYANG 54TH NA KAARAWANNagsagawa noong ika-8 ng Oct...
09/10/2026

MEDICAL MISSION, ISINAGAWA SA BAYAN NG CORDON BILANG SELEBRASYON NG KANYANG 54TH NA KAARAWAN

Nagsagawa noong ika-8 ng Octobre taong kasalukuyan ng isang "Medical Mission" ang Lokal na Pamahalaan ng Cordon Isabela sa pangunguna ni Mayor Florenz Zuniega, katuwang ang mga miyembro at emplaydo ng LGU Cordon. β€Ž

β€ŽLayunin ng programa na mailapit sa mga residente ang libreng serbisyong medikal, kabilang ang konsultasyon, libreng tuli operasyon,eye check-up at pagpapatingin sa mga doktor, at iba pang pangunahing serbisyong pangkalusugan upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan. β€Ž β€Ž

Ayon sa pamahalaang bayan, ang naturang medical mission ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat residente at matiyak na ang mga serbisyong pangkalusugan ay naaabot maging ng mga nasa malalayong komunidad. β€Ž β€Ž

Sa panayam kay Municipal Mayor Zuniega isang taon ang binigay ng puong maykapal sa narating niya muli ng karagdagan biyaya ng kanyang buhay sa edad 54 anyos bilang pasasalamat sa mga mamayan ng cordonian ay nagsawaga ng nagselebrasyon at pasasalamat ay nakaroon ng medical mission at libreng pakain nito.

Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa pamahalaang lokal sa pangunguna ni Mayor Florenz Zuniega at LGU Cordon sa patuloy na paghahatid ng mga programang nagbibigay ng direktang pakinabang sa mamamayan ng cordonian.

HAPPY BIRTHDAY MAYOR FLORENZ M. ZUNIEGA

BASAHIN | Sinuspinde ng LGU Alicia ang ilang barangay na wala pasok ng mag-aaral, g**o, at kawani ng mga paaralan sa Bay...
08/10/2026

BASAHIN | Sinuspinde ng LGU Alicia ang ilang barangay na wala pasok ng mag-aaral, g**o, at kawani ng mga paaralan sa Bayan ng Alicia, Isabela bukas Oktubre 9, 2026 dahil sa schedule power intruption ng ISELCO I. Narito Ang listahan ng effected areas ng ISELCO I: Amistad, Bagnos, Bagong Sikat, Bantug-Petines, Bonifacio, Burgos, Callao, Dagupan, Linglingay, M.H. del Pilar, Mabini, Mataas na Kahoy, Paddad, Rizal, Rizaluna, Salvacion, San Fernando, San Francisco, San Juan, San Pablo, San Pedro, Santa Cruz, Santo Domingo, Santo Tomas, at Zamora.

𝗠𝗒𝗦𝗧 π—ͺπ—”π—‘π—§π—˜π—— π—£π—˜π—₯𝗦𝗒𝗑, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ 𝗦𝗔 π—žπ—”π—¦π—’π—‘π—š 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗧𝗒π—₯𝗬 π—₯π—”π—£π—˜ 𝗦𝗔 CORDON, π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”Nadakip ng awtoridad ang tinaguriang wanted pers...
08/10/2026

𝗠𝗒𝗦𝗧 π—ͺπ—”π—‘π—§π—˜π—— π—£π—˜π—₯𝗦𝗒𝗑, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ 𝗦𝗔 π—žπ—”π—¦π—’π—‘π—š 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗧𝗒π—₯𝗬 π—₯π—”π—£π—˜ 𝗦𝗔 CORDON, π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”

Nadakip ng awtoridad ang tinaguriang wanted person sa isinagawang Manhunt operation ng PNP Cordon noong ika-7 ng October taong kasalukuyan sa Barangay Sagat, Cordon, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas "Rene", 22-anyos, walang asawa, laborer at residente nang nasabing lugar.

Nahuli ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Nicaso Brillantes Bautista III, Executive Judge ng Regional Trial Court, 21 Second Judicial Region Santiago, City na inilabas noong ika-24 ng September criminal case number 21-16314-FC.

Samantala, nahaharap na sa kasong Statutory R**e ang suspek kung saan walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Cordon Municipal Police Station para sa tamang dokumentasyon bago ito iturn-over sa korteng pinagmulan nito.

08/10/2026

TATLONG π— π—”π—šπ—¦π—”π—¦π—”π—žπ—” 𝗑𝗔 π—‘π—”π—”π—žπ—§π—¨π—›π—”π—‘π—š π—‘π—”π—šπ—£π—¨π—£π—¨π—§π—’π—Ÿ π—‘π—š π—žπ—”π—›π—’π—¬ π—‘π—š π—ͺπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—š π—£π—˜π—₯π— π—œπ—§, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ SA BAYAN NG CORDON, ISABELA

Arestado ang tatlong magsasaka matapos maaktuhan ng mga otoridad na namumutol ng punong-kahoy nang walang kaukulang permit sa Barangay Dallao, Cordon Isabela.

Kinilala ang naaresto na si alyas Ruel, 62-anyos, alyas Joe 63 anyos at alyas Mel 62 anyos kapawa may asawa at residente sa naturang lugar.

Lumalabas imbestigasyon ng Cordon Police Station na nahuli ang suspek sa anti-illegal logging operation ng mga otoridad kung saan naaktuhan umano ito na numumutol ng G-Milina ang mga tatlong suspek gamit ang isang chainsaw.

Nang hanapan ito ng permit ay wala siyang maipakitang dokumento dahilan ng kaniyang pagkakahuli.

Agad na idinala sa Cordon Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9175 o chainsaw Act.

FARM TO MARKET ROAD, ISINAGAWA ANG GROUND BREAKING CEREMONY PARA SA MAGSASAKA AT MAGAARAL NG PANGAWAN-BANAO DUPAX DEL NO...
07/10/2026

FARM TO MARKET ROAD, ISINAGAWA ANG GROUND BREAKING CEREMONY PARA SA MAGSASAKA AT MAGAARAL NG PANGAWAN-BANAO DUPAX DEL NORTE, LALAWIGAN NG NUEVA VIZCAYA

Isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa construction at concreting ng farm-to-market road sa Barangay Pangawan-Banao, isang proyektong magbibigay ng mas maayos, ligtas, at mabilis na daanan hindi lamang para sa ating mga magsasaka kundi pati na rin sa mga mag-aaral at mamamayan.

Sa pamumuno ng ating butihing Mayor Atty Paolo E. Cayton, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Ric Ronelson Asuncion, at mga department heads ng LGU Dupax del Norte, patuloy at isinusulong ang mga proyektong direktang tumutugon sa pangangailangan ng ating komunidad.

Mula sa hirap ng putik at alikabok, tungo sa konkretong daan ng kaunlaran para sa mas maunlad at mas konektadong kinabukasan ng bawat Dupax del Norte Nueva Vizcaya.

photo credit: by page Atty. Paolo E. Cayton

LIBRENG THEORETICAL DRIVING COURSE, NAKATAKDANG ISAGAWA MULI NG LTO ALICA SA BAYAN NG SAN GUILLERMO ISABELAMuling magsas...
06/10/2026

LIBRENG THEORETICAL DRIVING COURSE, NAKATAKDANG ISAGAWA MULI NG LTO ALICA SA BAYAN NG SAN GUILLERMO ISABELA

Muling magsasagawa ng libreng theoretical driving course ang Land Transportation Office Alicia sa darating na ika-9,10 ng October.

Sa eksklusibong panayam ng CIA-Bayanihan Media Channel kay LTO Alicia District Head Edric Cruz, kanilang isasagawa ang libreng Theoretical Driving Course sa mga barangay na sakop ng Bayan ng San Guillermo.

Kabilang sa mga barangay na ito ang Brgy. Centro I, Centro II, Brgy. Colarado, Brgy. Burgos, at Iba pang barangay, sa nabanggit na bayan.

Inaanyayahan ni District Head Cruz ang lahat ng mga interesado na dumalo at makilahok sa naturang programa.

Bukod pa rito, kasabay ng libreng TDC ay maaari ring magrenew ng kani-kanilang mga lisensya ang mga motorista.

Ayon kay District Head Edric Cruz, bukas ito hindi lamang para sa mga residente ng Cabatuan kundi pati na rin sa mga residente ng karatig bayan.

π—˜π—Ÿπ——π—˜π—₯π—Ÿπ—¬ π—™π—œπ—Ÿπ—œπ—£π—œπ—‘π—’ π—ͺπ—˜π—˜π—ž, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—šπ——π—œπ—ͺπ—”π—‘π—š 𝗦𝗔 BAYAN NG SAN GUILLERMO ISABELAIpinagdiwang ng mga lolo at lola sa bayan ng San Gu...
06/10/2026

π—˜π—Ÿπ——π—˜π—₯π—Ÿπ—¬ π—™π—œπ—Ÿπ—œπ—£π—œπ—‘π—’ π—ͺπ—˜π—˜π—ž, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—šπ——π—œπ—ͺπ—”π—‘π—š 𝗦𝗔 BAYAN NG SAN GUILLERMO ISABELA

Ipinagdiwang ng mga lolo at lola sa bayan ng San Guillermo ang 2026 National Celebration of Elderly Filipino ngayon Araw, ika-6 ng Oktubre.

Ang selebrasyon ngayong taon ay mayroong temang "May halaga at karapatan, may boses at ambag sa bayan".

Dumalo sa nabanggit na aktibidad Sina Municipal Mayor Engr. Felipe "Pipot" Guyud III Kasama Sina vice mayor Atty. Bernadine Lucas at mga saggunian Bayan Member at sa mga lolo at lola mula sa iba't-ibang barangay sa San Guillermo upang makisaya sa pagdiriwang ng kanilang araw.

Layunin ng programang ito na iparamdam sa mga lolo at lola ang kanilang mahalagang ambag sa lipunan, at makapaghatid ng kasiyahan sa pamamagitan ng iba't-ibang aktibidad.

Ang nabanggit na pagtitipon ay nagpapakita na patuloy ang ginagawang pagsuporta ng pamahalaan sa mga Senior Citizens sa pamamagitan hindi lamang ng pagbibigay kasiyahan kundi maging ng kanilang mga pangangailangan.

Ayon naman kay Committee on Senior Citizens Saggunian Bayan Member Malou Sanchez ay meron programa ng senior citizens na pwedeng maivail sa food chain, gamot at transportation na kung saan 20% discount at programa ng national program.

Sa mensahe ni Mayor Engr. Guyud ay bukas Ang kanyang tanggapan para maibigay na tulong sa mga senior citizens maliban sa libre gamot na binibigay ng LGU meron din monthly pension at marami pang iba.

05/10/2026

Interview with Pmaj. Fernando Mallillin Newly OIC chief of Police Alicia Police Station

Address

Cauayan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CIA Bayanihan Media Channel Isabela posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share