13/04/2023
LOYALTY IS EXPENSIVE
_________________________
CHEATING.
Kung tatanungin ako kung ano ang worst form of sin, cheating ang sagot ko. (para sakin lang naman..)
Walang cheater na nagsabi na 'hindi ko alam ang ginawa ko.' o "hindi ko alam na cheating yun.'
It's KNOWING that what you're doing is wrong and still continue to do so, gives me the shiver to the bones.
Girls and Boys, let's not do this.
Not only that you're breaking someone else's precious heart,
you're also putting yourself into ruin.
Kawawa ka. Magiging sobrang lungkot ng buhay mo pagdating ng araw, kung wala kang Jesus sa heart mo.
At yung mga niloko mo? Ipagtatanggol sila ni Lord at pagpapalain sila at ihi-Heal sila ni Lord sa heartaches na gawa mo. (Psalm 34:18)
I've had my heart broken due to same issue.
And man, it was one the hardest and darkest moment of my life.
Sabi ko talaga.. "ansakit naman nito, Lord. Sana wala na lang akong pakiramdam."
Lagi kong panalangin na sana wala ng maka-experience ng ganun sa buong buhay nila. Because it really made me question my worth as a person.
Pangit ba ako?
Kapalit-palit ba ako?
Sabi nga ni Ate Liza.
Kahit noon pa man, lagi ko ding sinasabi sa sarili ko na magiging loyal ako sa taong ilalaan ni Lord para sakin.
Loyal na kahit anong mangyari may assurance sya sakin.
Gusto mong iaccess ang phone ko? - Go.
Gusto mong wag ko ng kausapin tong taong to? - Sure.
Gusto mong malaman kung san ako punta? - Sama ka pa kung gusto mo.
I will never get tired of being Loyal.
Kase bare minimun un at deserve nating lahat ang pagibig na stick to one.
So ayun, Humans, the world is cruel enough.
Wag na tayong magcheat. Wag na tayong manloko.
Kung ayaw mo na sa partner mo ngayon and you're already seeing someone else, be HUMAN enough to tell the truth.
At kung feeling mo, hindi mo kayang maging loyal, utang na loob, don't enter into a relationship. Magiging malungkot ka lang lalo.
At sana maging ok na din lahat ng nakabasa nito na naexperience or nae-experience ang ganitong sitwasyon.
The Lord is near sa lahat ng broken hearted. (Psalm 34:18)
Bilang Niya lahat ng luha mo.(Psalm 56:8)
At Siya ang gaganti para sayo. (Romans 12:19)
___________________________________
Loyalty is expensive, do not expect them from cheap people.
___________________________________