04/04/2025
Mga mommies at daddies, ingat sa mga “pa-contest” sa social media!
May nakita ka bang post na nanghihikayat sa parents na mag-comment ng pictures ng kanilang babies kapalit ng pera o premyo? Mukhang harmless, pero delikado!
⚠️ Maaaring magamit ang pictures sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC).
⚠️ Nagbibigay ito ng impormasyon na available sa publiko at maaring magamit ng masasamang loob.
Huwag hayaang maging biktima ang inyong anak! Think before you post. Protektahan natin ang privacy at digital future nila.
Para sa mas ligtas na internet para sa kabataan, bisitahin ang Kabataang Digital webpage: https://privacy.gov.ph/kd/