05/02/2022
TIME TO SAY GOODBYE TO MY ONCE LOVED INDUSTRY.
Hayaan niyo po akong magbigay ng pahayag tungkol sa status ko at ng aking studio upang mabigyang linaw ang anumang tanong o pagtataka na naiisip ng bawat isa sa aking mga cliente, kaibigan at kasama sa industriya ng weddings.
Unang una, humihingi ako ng walang hanggang paumanhin sa tagal ng proseso na inaabot ng aking post wedding deliverables. Patawad po sa mga cliente ko na umaasa sa mas mabilis na pagbigay ng aking backlogs. Ngunit bago po kayo magalit at magbitaw ng masasakit na salita, sanay basahin at intindihin ninyo po muna itong ang paliwanag ko.
Noong nakaraang 2019 ay lumipat ako ng supplier ng wedding albums sa metro manila sa kadahilanan na hindi nakakamit ang deadline of delivery ng aking unang supplier. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makapag hanap ng supplier sa metro manila area at sa katunayan ay mayroon akong nahanap na isang negosyante na willing tumulong sa aking sitwasyon. Ito ay noong November 2019. Nagkaroon kami ng kasunduan na iyong 36 Wedding albums na hindi naibigay ng aking unang supplier ay kaya nilang magawa at ideliver pagdating ng April 2020. Masaya ako at mayat maya ay tatawag siya sa akin upang mag update kung ilan na ang kanilang nagawa. Nabayaran ko siya sa halaga na umabot ng Php 187,000. Ako ay panatag na siya ay maayos kausap at tutugon sa aming napag kasunduan.
Sa kasamaang palad, noong pumasok ang covid-19 sa ating bansa, isa siya sa mga namatay noong April 2020 dahil sa virus. Gumuho ang aking mundo nang nakarating saakin ang balita na pati ang asawa nya ay kritikal sa ICU dahil sa virus. Nakakalungkot ang pangyayaring iyon sa kanilang pamilya ngunit ako ay mas nalungkot dahil nadamage ng decontamination (water+chlorine) ang dapat sana ay iddeliver na mga album sa akin pagsapit ng katapusan ng April 2020. Umaasa ako sa refund ngunit hanggang ngayon ay wala na ako narinig na balita mula sa kanilang pamilya.
Sa kabila ng pangyayaring iyon ay hinaharap ko din ang kaliwat kanan na refund sa karamihan ng aking cliente noong nag lockdown ang buong luzon at halos ang buong mundo. Maaring iniisip niyo na dapat hindi ako pumayag sa refund. Mayroon po akong clause sa contract ko na darating sa punto na kailangan mag negotiate or reschedule without any fees kapag nagkaroon ng sitwasyon tulad ng kalamidad, pandemic, etc. na maaaring maging dahilan ng pagka kansela ng isang event. 70% po sa aking mga cliente na naka schedule noong 2020 weddings ay umapila na irefund nalang ang kanilang deposit. Samantala naman yung mga natira ay nag reschedule ngunit nag downgrade ng packages dahil sa gastos nila sa pandemic o nawalan ng trabaho. Hindi po ako nagdalawang isip na makipag tulungan para makamit ang aming mga napagkasunduan. Sa katunayan, naubos ng refund payments ang aking savings noong panahong iyon.
March, April, May 2020. Wala po akong trabaho. Walang Kasal. Walang tumatanggap sa akin sa mga online jobs sa dami ng kasabay pag apply. Unti unti kong naipabili ang mga gamit na matagal kong pinag ipunan para lamang maitawid ang bawat araw ng aming pamilya. Bilang pagsuporta at pagsunod sa protocol sa covid-19 ay minarapat kong hindi mag market ng wedding upang mabawasan ang idea ng mga tao na maghost ng gatherings ngayong pandemic. Galawang martir, sabi nila. Ngunit ako mismo ay takot din na magkaroon ng covid dahil ako ay diabetic.
May nagtanong sa akin, bakit meron parin ako weddings kahit di ako nagmamarket? ito po ay mga rescheduled wedding na dapat sana ay noong 2020 pa ginanap. Pumayag ako dahil responsibilidad ko parin ang event nila dahil kami ay may kontrata at nag agree na iresched na lamang sa anumang petsa. Naroon ang takot, at kaba na ako ay baka mahawa ngunit ang kontrata ay kontrata.
Numbers:
Php 130,000 worth of refund paid
Php 25,000 remaining to be paid
Php 187,000 worth of albums either to refund or deliver
---------------------
Php 10,000 monthly compensation for almost a year at government office.
Php 3500 per small event ( dalawa o tatlo sa isang buwan minsan wala)
Php 18,000 monthly utilities and expenses na aking binabayaran
sa isang wedding, hindi naman saakin napupunta ang buong halaga ng binabayad niyo. tapat ang aking pagbayad sa mga freelance na aking inooutsource. sa lahat ng resched na aking cnover. halos wala ako nakukuha dahil sa discount na pnakiusap saakin dahil nga pandemic. ang 35k na wedding, ang 30k ay nappunta sa tauhan. samantalang ang 2k ay sa event-day expenses.
hindi po saakin iyon lahat napupunta.
2021
Simula noong Abril 2021 ay nagsimula ang trahedya sa aming pamilya. Dumaan kami ng aking asawa sa kanya kanyang operasyon at sa panahon sanang ako ay magpapagaling, ay nagkaroon ako ng covid pati ang buong pamilya ko. Dahil ako ay diabetic at galing sa operasyon, ako ay na admit sa ospital dahil sa ako ay nahihirapan nang huminga at nararamdaman lahat ng sintomas ng covid kabilang ang pneumonia. Mapalad ako at ako ay nakalabas ng ospital at mgpagaling kasama ang pamilya ko. Ngunit tinanggal nito ang kakayahan ko makapag shoot sa mga event pati narin sa aking trabaho sa gobyerno. Napakahirap parin huminga kahit ako ay gumaling na sa virus. Ang masama pa sa nangyaring ito ay yung naipon ko sa mga small events ay napunta din lang sa pagpapaospital saamin ng asawa ko at maintenance ko na mga gamot. Dahilan para mas lalong maudlot ang pag proseso ko ng deliverables ko sa weddings.
Ngayon, hindi ko po hangad na kaawan niyo ako. Ito po ay para mabigyan kayo ng kaalaman sa presenteng kalagayan ko. Pag intindi lamang kahit alam kong sobrang pasensya na ang binigay ninyo sa akin.
Ano bang aksyon ang ginagawa ko ngayon?
Sa kasalukuyan, ako po ay freelance graphic artist na binabayaran ng 400 pesos sa bawat design na aking ginagawa. dito ako kumukuha ng budget para paunti unti kong maipagawa yung mga albums na dapat last year ko pa naibigay. Paalala lang po, kasabay nito ay ang mga pangagailangan dn namin ng pamilya ko. Binibigay ko po sainyo ang aking salita. Hindi po ako tumatakas sa responsibilidad ko. Nagkataon lang na may mga pinagdadaanan akong pagsubok pinansyal, mental, emosyunal, pero hindi ko po kayo nakakalimutan, lalong hindi "kinakalimutan".
Sa kasulukuyang kondisyon ng aking kalusugan, naisip ko pong itigil na ang weddings. Ito po ang pinaka malaking dahilan ng anxiety attacks ko, ang patuloy na pag degrade ng aking kalusugan. May mga pagkakataon na minsan gusto kong sumuko na at kitilin ang buhay ko dahil dito, ngunit may pamilya po ako at kailangan lumaban.
Para po sa mga client ko na nakapag bitaw ng masasamang salita sakin, sa tipo ng output na ginagawa ko, pagpalain nlng po kayo ng Diyos. Binuhos ko po lahat ng kaya kong gawin. Buong puso ko pong pinagsilbihan kayo kahit hindi ninyo ramdam.
Kung minsan po ay di ako nagrereply, ay sa dahilan na ayoko na mangako na di ko kayang tuparin. Ang hirap po sa sitwasyon ko mangako ng output sa katiting na sahod meron ako ngayon. Ngunit, pinauunti unti ko po iyon. Small steps po ika nga.
Ipinapaubaya ko nalang po sainyo ang pag intindi.
ps.
as of now po patuloy parin ako sa paghakbang tungo sa pag reprint at re-layout ng album na hindi na ideliver saakin. budget lang tlga ang hndi umaabot. muli, pasensya po sainyong lahat.
- Deng Malate