29/12/2025
Bakit daw wala kaming dadaling bass speaker sa event namin na indoor with 50 to 100 pax na tao..
Yung isang kausap daw nila meron tapos mas mura pa. Abay dyan ka mag taka!!!
Eto kasi yan! Depende sa capacity ng venue. Depende sa brand ng gamit. Depende sa puesto ng speaker. Depende sa pihit ng tech.
Bakit kamo yung pinakita mo specs na mura DIY speakers oo ang lalaki nila tamang my lakas pang outdoor ngalang. Tapos kakain ng space yan.
Example 2 mid high na D12 at 2 bass speaker na d15 all passive speakers not branded. Pag di magaling pipihit dyan puro feedback aabutin mo kasi wala kanang space para si separate ng maayos yung speaker set up mo. Lalo pa pag nauna caterer sayo sa venue.
Ang dala namin 2 pcs. Branded D15 Active speaker. Sample brand RCF or B3 tapos mahal ng konti yung 4k nung isa tapos 6k samin. Pero binigay namin ng 5500.
Sisiguraduhin ko na pag yang branded na yan dala sa ganyang maliit na venue eh baka mag pa adjust kapa ng volume.
But still we dont hate those offer na my ganung specs. Respeto padin kasi pumapatas padin sila at alam namin yung mura na tanggap pero grabe ang bigat ng buhatin nila sa set up.
Bakit kamo iba ang tunog ng branded lalo na sa event na halos puro mic ang ang gamit. Alam ng lahat yan.
Lesson dito quality ain't cheap. Para lang po yang kape sa Starbucks at kape sa di kilalang Coffee shop.
Saka kung gusto po tlg ng malakas at malinis na tunog. Need din tlg ng malakas at sapat na bayad..
Nakukuha nyong bumayad ng napaka mahal sa mga video and photo, make up artist, coordinator pero sa lights and sounds binabarat nyo. Samanatalang napaka laki ng epekto pag sumablay ang mic, speakers at ilaw.
Happy new year everyone greetings from BK Lights and Sounds