08/08/2026
PABATID | ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Mga ka-parokya! Halinaโt makiisa sa nalalapit na Dakilang Kapistahan ng ating Mahal na Patrong San Roque de Kalookan!
Sa darating na ika-16 ng Agosto, ating isasagawa ang Maringal na Prusisyon sa ganap na ika-5 ng hapon. Kasama dito ang mga pransiskanong banal na naglingkod ng tapat sa ating Diyos at sa tuntunin ni Saint Francis of Assisi.
Ang mga pransiskanong ito, tulad nina Saint Francis of Assisi, Saint Clare of Assisi, Saint Anthony de Padua, at marami pang ibaโay nagbigay ng huwaran ng buhay na nakaugat sa kahirapan, kababaang-loob, at malasakit sa kapwa. Ang kanilang pamana ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa Simbahan upang mamuhay sa diwa ng Ebanghelyo.
Maaari ninyo ring isama sa ating prusisyon ang mga replikang imahen ng ating Mahal na San Roque. Mangyaring mag-message sa ating Official page upang mailista ang inyong pangalan.
๐๐ฎ๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง:
๐จ. ๐ด๐จ๐ฉ๐ฐ๐ต๐ฐ โ ๐บ๐จ๐ด๐บ๐ถ๐ต ๐น๐ถ๐จ๐ซ โ ๐ฏ๐ฌ๐น๐ถ๐ฌ๐บ ๐ซ๐ฌ๐ณ '๐๐ โ ๐๐๐ป๐ฏ ๐จ๐ฝ๐ฌ๐ต๐ผ๐ฌ โ ๐ท. ๐๐จ๐ด๐ถ๐น๐จ โ ๐จ. ๐ด๐จ๐ฉ๐ฐ๐ต๐ฐ
Kasama ang mga ๐
๐ซ๐๐ง๐๐ข๐ฌ๐๐๐ง๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ:
1. Nuestra Seรฑora dela Peregrina mula sa Shrine of St Anthony, Bustillos, Manila (simbahan ng Venerable Orden Tercera)
2. San Francisco de Asis mula sa St. Francis of Assisi and Sta Quiteria Parish, Caloocan City
3. Santa Clara de Asis mula sa St. Clare of Assisi Parish, Malabon City
4. San Antonio de Padua mula sa San Antonio de Padua Parish - Tonsuya, Malabon
at mga pribadong replika ng Mahal na Patrong San Roque
Sama-sama tayong maglakbay kasama ang ating Dakilang San Roqueโang huwaran ng malasakit, kagalingan, at pananampalataya. Nawaโy sa ating kapistahan, maranasan natin ang pag-ibig ng Diyos na gumagabay at nagpapagaling, tulad ng ginawa ni San Roque.
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐!
Credits to: CJ Magnus