27/09/2023
Sa sobrang harot ko untikan ko ng malimutan na required palang magtrabaho😅
Kaya naman off muna tayo sa mahaharot kong post. Opo, trabaho po muna tayo.
Bukas na po ulit ako sa mga gustong pumasok charot! Baka machop chop ako ng jowa ko. Ang ibig kong sabihin eh open napo ako ulit for hosting booking kaya kung bored ka at naghahanap ka ng ikakasaya mo. Pumirmi ka, hindi ka-talking stage ang hanap mo. Mag pa-party ka, pupunta ako kahit hindi ako imbitado🤣.
Available lamang ako sa mga sumusunod na mga events
1.Birthday Party (laban na, kahit spaghetti na labsak lang ang handa mo)
2. Wedding ( willing to wait kung naghahanap kapa ng groom or bride mo)
3. Engagement Party (iopen nadin natin kahit wala pang nagpopropose sayo)
4. Brand event-(kung okey lang na ako ang magpopromote ng brand nyo)
5. Gender Reveal, Jowa reveal o kahit ano pang gusto mong ireveal.
Also considering Funeral event just in case you want it to be colorful and unique!
Reminders:
1. Only accepting fun events, strictly no to super formal event kasi maginoo pero bastos ang atake ng lola nyo.
2. Utang na loob kumuha kayo ng magandang sound system hindi ung boses akong lasing na arabo.
3. Make sure na may Shanghai sa handa nyo. Medyo mapili ako sa ibabalot ko.
Un lamang mabuhay kayo hanggang trip nyo😘
Pashare nadin ng sumaya saya laman ng news feed mo💋