11/08/2025
ISANG MASIGLANG PAGBUBUKAS PARA SA PANIBAGONG YUGTO! “Maligayang Pagdating at Pagbalik, CMBTians!” Ika-11 ng Agosto, 2025 NEUST Sumacab Campus, Cabanatuan City
Ngayong araw ay matagumpay na naisakatuparan ang isang masigla at makabuluhang programa na inihanda ng CMBT Local Student Government kasama ang suporta ng iba’t ibang university student organizations mula sa College of Management and Business Technology (CMBT).
Napuno ng saya, enerhiya, at samahan ang buong CMBT Gym. Isa itong espesyal na pagkakataon para sa mga bagong CMBTians na makilala ang kanilang mga kapwa mag-aaral, student leaders, at mga organisasyong handang maging katuwang nila sa paglalakbay sa kolehiyo.
Sa bawat palaro, aktibidad, at programa, ramdam ang tunay na diwa ng pagkakaisa at pamilya — isang pagsalubong na puno ng ngiti, tawanan, at bagong kaibigan. Ang event na ito ay hindi lang simpleng pagtitipon, kundi isang pagpapakita ng lakas ng ating komunidad bilang isang buo at matatag na kolehiyo.
Bilang bahagi ng kasiyahan, tampok din dito ang mga creative at makukulay na booth mula sa iba't ibang organisasyon na nagbigay ng kakaibang kulay sa event.� Sa kabilang banda, ang organisasyong HTM Events Society ay nagpasalamat sa pagkilalang natanggap bilang:
🏅“Pinakanakakaenganyong Booth”�
🏅 “Pinakamahusay na Booth”
Isang patunay na ang pagtutulungan, talento, at puso ng bawat miyembro ay tunay na nagbubunga ng tagumpay.�Maraming salamat sa lahat ng sumuporta at nakiisa sa pagdiriwang na ito!
Ito ay simula pa lamang ng mas marami pang kwento ng pagkakaisa, serbisyo, at tagumpay sa CMBT.�
Sama-sama, ipagpapatuloy natin ang pagbuo ng isang mas malakas at mas makulay na komunidad. 🤍
✒️: Snooky Javier
🎨: Tracy Francisco
https://www.facebook.com/share/p/1A7BaCwF9T/?mibextid=wwXIfr